$10 bilyong investment nakuha ni Pangulong Marcos sa Japan trip
- Published on February 14, 2023
- by @peoplesbalita
NAKUHA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nasa $10 bilyong halaga ng investment mula sa limang araw na working visit sa Japan.
Sinabi ni Trade Secretary Alfredo Pascual, na ang ibig sabihin nito ay P550 bilyon at libu-libong trabaho.
Paliwanag pa ni Pascual na nasa bola na ngayon ng Pilipinas kung paano pananatilihin pa sa bansa ang mga dayuhang negosyante.
“Pero ang complaint pa rin nila mabagal. Long time ago, we have held on the ball. We need to shoot the ball now and make a score. Let’s not drop the ball,” ayon pa sa kalihim.
Ito rin umano ang dahilan kung kaya patuloy na pinagsusumikapan ni Pangulong Marcos na madaliin ang proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas.
Inihalimbawa niya ang itatayong “Green Lane” kung saan naging simple at madali ang pagproseso ng mga requirements ng mga dayuhang mamumuhunan.
Sa ngayon umano ay wala namang siyang naririnig na reklamo sa mga dayuhang mamumuhunan maliban sa mabagal na proseso ng papales.
Tiniyak pa ni Pascual, na agad na mararamdaman ng taong bayan ang mga naiuwing investment ni Pangulong Marcos at kumpiyansa na marami pang investment na makukuha ang Pangulo lalo at matagal pang matatapos ang taon.
Nasa buwan pa lamang umano ng Pebrero subalit bilyong halaga na ng investment ang nakuha ng Pangulo. (Daris Jose)
-
PBBM, ipinag-utos ang pagkumpleto sa water-related projects sa April 2024
SINABI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ipinag-utos niya sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno na kompletuhin ang water-related projects sa April 2024 bilang paghahanda para sa epekto ng El Niño phenomenon. Sa isinagawang ina inagurasyon ng Balbalungao Small Reservoir Irrigation Project (BSRIP) sa Lupao, Nueva Ecija, winika ng Pangulo ang pamgangailangan […]
-
Migz Zubiri, binigyan ng misyon ni Pope Francis: ‘Protektahan ang pamilyang Pilipino’
MAY pakiusap si Pope Francis kay dating Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri noong bumisita siya sa Vatican nitong ika-5 ng Hunyo. Sa pahayag ni Zubiri na binigyan ng misyon ng 87 years old na Santo Papa, “Pinakiusapan ako ni Pope Francis to ‘protect the family,’ at isasapuso ko ang sinabi niyang ito.” Nakita ni […]
-
41-yr. old Udonis Haslem kukunin uli ng Miami kahit ‘di ‘naglalaro’
Kukunin pa rin umano bilang miyembro ng Miami Heat ang isa nilang iconic personality na si Udonis Haslem kahit hindi na ito gaanong pinalalaro. Ang 41-anyos na si Haslem ay kinuha pa ng koponan para sa isang taon na kontrata sa halagang $2.6 million. Kung maalala sa halos buong NBA career […]