• November 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

100 MEDICAL WORKERS SA NAVOTAS, NABAKUNAHAN NA

NASA 100 medical workers ng Navotas City Hospital ang unang nakatanggap ng bakuna ng Coronavirus Disease 2019 noong Biyernes sa pangunguna ni Dr. Roan Salafranca, NCH Chief of Clinics.

 

 

Tinanggap ng Navotas ang mga bakuna noong Huwebes at dinala sa cold room sa Navotas Polytechnic College.

 

 

“Tuwang-tuwa kami at nagpapasalamat na ang ilan sa aming mga frontliner ay natanggap na ang kanilang shot. Dahil dumarami ang mga kaso sa amin, inaasahan naming maglaan at magpadala ng maraming mga bakuna sa Navotas ang national government,” ani Mayor Toby Tiangco.

 

 

Bumili aniya sila ng 100,000 dosis ng bakunang AstraZeneca, na inaasahang darating sa second half ng 2021. Habang hinihintay ang order, inaasahan ng lungsod na makakatanggap sila ng higit pang mga bakuna mula sa pambansang pamahalaan upang maprotektahan ang kanikang halos 800 medical frontliner.

 

 

Ang Navotas City Health Department ay may 799 employees, 353 dito ang nagtatrabaho sa NCH.

 

 

Nauna rito, inihayag ng lungsod na balak nitong bumili ng bakuna mula sa Pfizer at Moderna, dalawang iba pang manufactures na pinakagusto ng Navoteños, base sa survey ng lungsod noong Disyembre. (Richard Mesa)

Other News
  • Pilipinas, dapat igiit ang hustisya at kabayaran sa mga nasugatang Pilipinong marino

    DAPAT igiit ng Pilipinas ang hustisya at kabayaran sa mga nasugatang Pilipinong marino at nasira nilang barko dala sa ginawang pagbangga ng Chinese coast guard sa naturang navy ship sa may West Philippine Sea.       Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, ang nasabing lugar ay bahagi ng maritime zone na tinukoy ng Permanent […]

  • Masasagot na rin ang estado ng relasyon nila: HEART, kinumpirma na sa ‘Pinas magba-Bagong Taon kasama si Sen. CHIZ

    KINUMPIRMA ni Heart Evangelista via social media na sa Pilipinas siya mag-celebrate ng New Year kasama ang kanyang mister na si Sen. Chiz Escudero.     Sa isang Instagram update, nabanggit nga ni Heart sa caption na uuwi siya para makasama si Chiz sa Bagong Taon: “Living between 2 worlds Paris and Manila. 2 clocks […]

  • Ads March 14, 2024