• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

100% WORK CAPACITY, IPATUTUPAD NA SA TANGGAPAN NG BI

INANUNSIYO ng  Bureau of Immigration (BI) na nagtaas na sila ng 100 percent na kapasidad sa kanilang mga trabaho sa lahat ng kanilang tanggapan sa National Capital Region (NCR) simula March 01. 

 

 

Sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente na ang pagbabago sa kanilang bagong work scheme ay bilang pagtupad sa desisyon ng gobyerno na ibinaba sa Alert 1 ang  Covid-19 alert status  sa metropolis at 38 na iba pang areas sa buong bansa.

 

 

Pero paliwanag ni Morente na pinapairal pa rin ang strict health protocols  tulad ng pagsusuot ng face mask at physical distancing sa lahat ng opisyal at empleyado.

 

 

Sinabi rin nito na ang mga bakunado ay maaari nang pumasok sa kanilang mga tanggapan habang ang mga hindi bakunado o partially vaccinated ay kinakailangan pa ring kumuha ng online appointment system.

 

 

Ang working hours ay mula alas-7:00 ng umaga hangang 5:30 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes  bukod kung holidays.

 

 

Habang ang kanilang ibang tanggapan kung saan nasa ibang alert status, mananatili silang susunod sa kasalukuyang on-site work capacities.

 

 

Sa isang hiwalay na memorandum sa mga empleyado, hindi na rin sila magpapatupad ng work-from-home para sa kanilang mga empleyado at oobligahin na silang mag-report sa trabaho, anuman ang kanilang edad o comorbidities.

 

 

“As we transition to the new normal, the public can be assured that the services of the BI will remain unhampered,” ayon kay Morente. (GENE ADSUARA)

Other News
  • 3 months ‘interval’ sa booster shot, ok – DOH

    Irerekomenda ng vaccine expert panel ng Department of Health (DOH) sa Food and Drug Administration (FDA) na paiksiin ang pagitan na buwan sa tatlong buwan na lamang sa pagkuha ng booster shot kontra COVID-19.     Inihayag ito ni Health Secretary Francisco Du­que III makaraan ang pagkakadiskubre sa dalawang kaso ng Omicron variant sa bansa. […]

  • Jerald’s Cup 4-cocker, tutuka sa Marso 6 – Picazo

    TINATAYA na ang 100 sultada sa taunang Jerald’s Cup 4-Cock Derby sa Biyernes, Marso 6 na maghuhudyat sa tag-init ng mga sabong sa Pasay City Cockpit.   Ang beteranong sabungerong si Jerald Picazo ang punong abala para rito kung saan 40-50 katao ang kanyang mga inimbitahan sa derbing mga aayudahan ng Sagupaan Superfeeds at Complexor […]

  • 3 NBA games kinansela

    Hindi  itinuloy ang nakatakdang tatlong laro sa NBA playoffs games kahapon, (August 27)  matapos magpahayag ng boycott ang mga koponan bilang protesta sa umano’y nagaganap na krimen kontra sa mga Black-American.   Ayon sa ulat, kinansela ang laro ng Milwaukee Bucks vs Orlando Magic, Los Angeles Lakers vs Portland Blazers at Oklahoma City Thunder vs […]