• June 12, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Jerald’s Cup 4-cocker, tutuka sa Marso 6 – Picazo

TINATAYA na ang 100 sultada sa taunang Jerald’s Cup 4-Cock Derby sa Biyernes, Marso 6 na maghuhudyat sa tag-init ng mga sabong sa Pasay City Cockpit.

 

Ang beteranong sabungerong si Jerald Picazo ang punong abala para rito kung saan 40-50 katao ang kanyang mga inimbitahan sa derbing mga aayudahan ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.

 

Ilan sa mga gamefowl breeder ay magbubuhat sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, Bulacan at ilang piling mga kasapi ng National Cockers Alliance (NCA).

 

Samantala, nagkampeon sa nakalipas na Biyernes sa 2020 LGBA Cocker of the Year series first leg sina Jeffrey at Aylwyn Sy ng Jam SB Sagupaan Winning Line sa likod ng 6.5 puntos.

 

Nakaanim na puntos naman sina Mayor Rommel Romano ng RVR GF, Nelson Uy/Dong Chung ng HMG, Atty. Jun Caparroso ng Jungle Wild at dalawang tinale nina Jimmy Junsay/Dennis Reyes/Ed Ladores.

 

Pinahayag kamakalawa ni Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) president Nick Crisostomo, na bibitawan ang second leg 7-bullstag derby sa Marso 9, 16 at 23.

 

Makababatid ng iba pang mga detalye kina Erica at Ace sa 0945-4917-474, 0939-4724-206, 8843-1746 at 8816-6750. (REC)

Other News
  • LTFRB: P860 M incentives na ang naibibigay sa mga drivers ng PUVs

    May P860 million ng halaga ang naibibigay at naipamamahagi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga public utility drivers (PUVs) sa buong bansa.     Ang programa ay sa ilalim ng service contracting ng pamahalaan kung saan binibigyan ang mga PUVs drivers ng mga incentives ayon sa kanilang nalalakbay na kilometro.   […]

  • ‘Executive Sec. Rodriguez, bumaba na sa puwesto’

    KINUMPIRMA  ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na bumaba na sa puwesto bilang Executive Secretary si Atty. Victor Rodriguez.     “I confirm that Atty Vic Rodriguez has stepped down as Executive Secretary,” wika ni Angeles.     Inilabas ng Malacanang ang pahayag, kasunod ng mga espikulasyon ukol sa sitwasyon ni Rodriguez sa gabinete.     […]

  • ‘New peace talks’ , uusad na may bago at sariwang framework agreement- Galvez

    BAGO at sariwang  usapang pangkapayapaan ang itutulak ngayon  sa ilalim ng administrasyon ni  Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. kasama ang  National Democratic Front of the Philippines (NDFP).     Tiniyak ni  Peace Adviser Carlito Galvez, Jr.  na hindi ito pagpapatuloy ng mga usapang pangkapayapaan na dumaan sa mga nakalipas na administrasyon.     Ani  Galvez, ang  […]