11 SHOW CAUSE ORDER, INISYU NG DPWH
- Published on November 27, 2020
- by @peoplesbalita
MAHIGIT sa 11 show cause order ang inisyu ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa kanilang mga kawani na nahaharap sa mga alegasyon ng katiwalian.
Sa ginanap na Kapihan sa Manila Bay virtual media forum, sinabi ni DPWH Secretary Mark Villar na nakikipag-uganayan na ang kanyang tanggapan kay Justice Sec. Menardo Guevarra mula nang magsimula ang pagsisiyat ng pinamumunuang Mega Task Force nito, alinsunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang Task Force naman aniya ng DPWH ay tuloy-tuloy din na imbestigasyon kaugnay sa mga alegasyon ng katiwalian sa kanilang hanay kung saan labing isa na ang inisyuahn ng show cause order para magpaliwanag hinggil sa kinakaharap nilang reklamo.
Ayon sa kalihim, ito ay mula sa mga taong nagbibigay ng sulat o direct complaint, gaya ng delay sa implementasyon ng mga proyekto at iba pa.
Masususpinde naman ang mga nirereklamo kung makitaan aniya ng probable cause at dadaan sa nararapat na proseso at mahaharap sa kaso.
Inaasahan naman ni Villar na magkakaroon ng accomplishment ang kanilang ginagawang imbestigasyon laban sa mga tao sa DPWH na sinasabing sangkot sa kurapsyon.
Mayroon na ring 25 na contractors na naunang na-blacklist ng DPWH.
Dagdag pa ni Villar,na patuloy ang kanilang pagkilos upang mapigilan ang katiwalian sa kanilang bakuran kung saan nagpapatuypad na ito ng mga hakbang upang mapigilan ang korapsyon. (GENE ADSUARA)
-
Ads July 10, 2023
-
US Box Office Hit ‘Sound of Freedom’ and South Korean Dark-Comedy ‘Cobweb’ Set to Premiere in PH Cinemas
TBA Studios is excited to announce its upcoming line-up of films for the rest of the year. Among the highly anticipated titles are set to premiere in Philippine cinemas, the surprise US box office hit Sound of Freedom in September 20 and the Korean dark comedy Cobweb on October 4. “We are […]
-
Public transportation, maaaring payagan sa panahon ng two week-ECQ-Padilla
MAAARING payagan pa rin ng pamahalaan ang public transportation sa panahon na ipinatutupad na ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila dahil sa vaccination program. Sinabi ni National Task Force against COVID-19 spokesperson Restituto Padilla Jr. na target kasi ng Kalakhang Maynila na makapagbakuna ng 250,000 katao kada araw sa gitna ng pinahigpit […]