1,424 magulang/guardian ng mga mag-aaral, tumanggap ng P3K ayuda
- Published on November 6, 2024
- by @peoplesbalita
BINISITA ni Congressman Toby Tiangco para kamustahin ang unang batch ng pamamahagi ng tulong pinansyal sa ilalim ng Ayuda para sa Kapos Ang kita Program o AKAP para sa mga magulang/guardian ng Navoteño senior high school students. Umabot sa 1,424 magulang/guardian ng mga mag-aaral mula sa San Roque National High School, Navotas National High School, Kaunlaran High School, at Tanza National High School ang nakakuha ng P3,000 ayuda.
Ang programang AKAP ay handog nina Pangulong Bongbong Marcos at House Speaker Martin Romualdez, katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Nagpaabot naman ng kanilang pasasalamat si Cong. Tiangco at Mayor John Rey Tiangco kay PBBM at Speaker Romualdez sa kanilang handog na programa dahil marami anilang mahihirap ang natutulungan nito. (Richard Mesa)
-
Suplay ng karne ng baboy, sapat ngayong Pasko – DA
SAPAT ang suplay ng karne ng baboy sa merkado ngayong Pasko. Ito ang tiniyak kahapon ni Department of Agriculture (DA) Deputy Spokesperson Rex Estoperez. Ayon kay Estoperez, dahil mas gusto ng mga mamimili na bumili ng sariwang karne, nag-aalangan ang mga nagbebenta ng frozen meat na ilabas ang kanilang mga supply […]
-
Mga golfer marami ng torneo sa 2021
SINALUDUHAN ng Games and Amusements Board (GAB) ang una sa dalawang torneo ng Philippine Golf Tour (PGT) sa restart mula sa eight-month stop dahil sa Covid-19 at hinimok ang mas maraming kompetisyon ng sport sa taong 2021. Base ito sa ulat na nakarating kay GAB chairman Abraham Kahlil Mitra mula sa Pro-Basketball and Other […]
-
GCash nagbabala laban sa gambling apps na ginagamit sa phishing
ILANG gambling sites at apps na ginamit para sa account takeovers sa pagdami ng phishing scams kamakailan ang natuklasan sa isinagawang imbestigasyon ng National Privacy Commission (NPC) at ng nangungunang mobile wallet GCash. Dagdag pa, ilang influencers ang maaaring hindi sinasadyang isinulong ang mga gaming apps na ito na hindi batid ang fraudulent […]