15-anyos na estudyante, patay sa suntok ng SK Kagawad
- Published on October 29, 2024
- by @peoplesbalita
PATAY ang isang 15 anyos na estudyante nang suntukin ng Sangguniang Kabataan Kagawad nitong Linggo ng gabi sa Punta, Sta.Ana, Maynila.
Idineklarang dead on arrival sa Sta.Ana Hospital ang biktimang si Krisnard Alexus Garcia y Dela Cruz mula Brgy.Hulo,Mandaluyong City.
Hawak naman ng pulisya ang suspek na sina Irinro Cardamio III alyas Jimeel, 23, binata ,SK Kagawad ng Brgy.894, Punta Sta.Ana,Maynila at kasabwat nitong si Mark Jorell Trinidad y Dela Cruz, 18, nakatira sa nasani ding lugar.
Sa imbestigasyon, dumulog ang biktima sa Barangay hall kaugnay sa panununtok ng SK Kagawad sa kanyang kaibigan.
Habang nasa harap ng Barangay hall ang biktima, pinagtulungang bugbugin ng mga suspek ang biktima hanggang bumagsak sa semento.
Inawat naman ng mga opisyal ng Barangay ang mga suspek ngunit nagpatuloy ang mga suspek sa pananapak sa biktima hanggang mawalan ito ng malay.
Agad siyang dinala sa naturang ospital ngunit hindi na rin umabot ng buhay . GENE ADSUARA
-
Alegasyon vs Sen. De Lima, binawi ni Kerwin Espinosa
BINAWI ng umaming drug lord na si Kerwin Espinosa ang lahat ng alegasyon niya laban kay Senador Leila de Lima sa isinumite niyang ‘counter-affidavit’ sa Department of Justice (DOJ) nitong Huwebes. Isinumite na ang counter-affidavit ni Espinosa sa DOJ kahapon, ayon sa abogadong si Ramund Palad. Sinabi ni Palad na saksi siya nang […]
-
Umaasang mamahalin din ang role sa bagong serye… GABBY, constant ang communication sa mga kapatid lalo na kay ANDI
BILANG mabait at matapang na commander ng Earth Defense Force, minahal ng publiko ang karakter ni Gabby Eigenmann bilang si Commander Robinson sa ‘Voltes V: Legacy’ na umere sa GMA noong 2023. Marami nga ang naapektuhan at nalungkot noong namatay si Commander Robinson sa kamay ng mga aliens na Boazanian habang ipinagtatanggol ang […]
-
Stephen King’s Praise for ‘Terrifier 2’ Receives Response from Director Damien Leone
Terrifier 2 director Damien Leone responds to Stephen King’s high praise for the bloody horror sequel. Leone’s latest installment in his Terrifier franchise released in select theaters on October 6. David Howard Thornton returns as Art the Clown, starring alongside Lauren LaVera, Elliott Fullam, Sarah Voigt, Kailey Hyman, and Samantha Scaffidi, who is also reprising her role of Vicky […]