15 PASAHERO, 3 CREW, NAILIGTAS NG COAST GUARD
- Published on July 29, 2021
- by @peoplesbalita
LABIN-LIMANG pasahero at tatlong crew members ang nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) Surigao del Norte sa katubigan ng Socorro Surigao del Norte matapos mabali ang propeller shaft ng motorbanca na MBCA RETREAT 1.
Sa inisyal na ulat mula sa coast guard Surigao del Norte sa PCG headquarters, nawalan ng rudder ang motorbanca sa baybaying sakop ng Bucas Grande. Island ang motorbanca kaya nagpasaklolo sa PCG upang masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero .
Agad namang nagsagawa ng search and rescue (SAR) kung saan namataan sa bisinidad ang motorbanca sakay ang nasabing mga pasahero.
Matapos mailigtas ang mga sakay nito, hinila naman ng PCG ang motorbanca sa Feeder Port, Socorro.
Ayon sa crew, umalis ang motorbanca sa Tiktikan Resort, Barangay Sudlon, Socorro, Surigao del Norte patungong General Luna, Siargao Island, Surigao del Norte.
Habang naglalayag sa katubigan ng isang milya sa Barangay Navarro, Socorro, Surigao del Norte, ang propeller shaft ng motorbanca ay aksidenteng nabali at nalaglag sa katubigan .
Maagap namang pinahinto ng master ang engine ng motorbanca upang maiwasan ang posible pang maaring mangyaring aksidente sa karagatan.
Habang naghihintay ng rescue, unti-unting inaanod ang motorbanca dahil sa malakas na hangin at alon.
Gayunman, matagumpay naman silang nasagip ng mga tauhan ng PCG. (GENE ADSUARA)
-
Leader ng “Ompong Drug Group” nalambat sa buy bust sa Navotas
MAHIGIT sa P1.2 milyon halaga ng ilegal na droga at baril ang nasamsam ng mga awtoridad sa leader ng isang “notoryus drug group” matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation sa Navotas City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek na si Rodolfo Reyes alyas “Ompong”, […]
-
Panahon na para rebyuhin ng Kongreso ang oil deregulation law- Malakanyang
PARA sa Malakanyang, panahon na para rebyuhin ng Kongreso ang oil deregulation law. Kasunod ito ng patuloy na pagtaas sa presyo ng langis at global supplies na tinamaan ng nagpapatuloy na labanan sa pagitan ng Russia at Ukraine. Sa isang panayam, sinabi ni Acting Cabinet Secretary Melvin Matibag na nakatakdang talakayin […]
-
Namataang Chinese militia vessels sa Julian Felipe Reef hindi magiging dahilan na maulit ang 2012 Scarborough Shoal standoff- Sec. Roque
KUMBINSIDO ang Malakanyang na ang di umano’y naispatan na Chinese militia vessels sa Julian Felipe Reef (Union Reefs) sa West Philippine Sea ay hindi magiging dahilan para maulit ang 2012 Scarborough Shoal (Bajo de Masinloc o Panatag) standoff. Higit 200 Chinese maritime militia vessels kasi ang natuklasang namamalaot sa isang bahagi ng West Philippine […]