153K mag-aaral, tumanggap na ng ayuda – DSWD
- Published on August 31, 2022
- by @peoplesbalita
TUMANGGAP na ng educational assistance ang may 153,315 mag-aaral sa una at ikalawang Sabado ng pamamahagi ng educational assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Bunsod nito, may kabuuang P387.9 milyon na ang naipamahagi ng DSWD sa buong bansa para sa naturang ayuda.
Noong Agosto 28 na ikalawang Sabado ay 79,747 beneficiary nationwide ang nabigyan ng ayuda o P199.6 milyong halaga ng cash aid.
Sa naturang mga benepisyaryo, ang pinaka malaking pondo ay napunta sa 26,704 college/vocational beneficiaries na may halagang P106.6 million; P33.9 milyon naman sa 11,286 senior high school beneficiaries; P34.4 milyon sa 17,254 high school qualified applicants; at P24.5 milyon sa 24,503 elementary students.
Patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng DSWD sa pamamagitan ng kanilang Field Offices (FOs) sa mga LGU partners upang matiyak ang maayos at ligtas na pamamahagi ng cash aid sa mga piling indigent students.
Una nang nakipagkasundo ang DSWD sa Department of the Interior and Local Government (DILG) upang mapangunahan ng LGUs ang paglalaan ng lugar at seguridad sa distribusyon ng ayuda.
-
NASYUNAL AT LOKAL MAGTULUNGAN SA PAGBIBIGAY NG HANAPBUHAY
DAPAT magtulungan ang national at local government units upang mapalakas ang pagbibigay ng hanapbuhay at mabigyan ng kaalaman ang mga manggagagawa. Sinabi ito ni Labor Secretary Silvestre Bello III nang pangunahan nito ang pagpapasinaya ng Bulacan Public Employment Service Office (PESO) building sa Malolos, Bulacan. Pinasalamatan naman ng kalihim si Bulacan […]
-
Liza, suportado ng Star Magic sa kasong isinampa tungkol sa ‘rape jokes’
SUPORTADO ng Star Magic ang kasong isinampa ni Liza Soberano laban sa rating empleyado ng internet provider na nag-comment ng, ‘ang sarap ipa-rape’ sa Facebook page. Base sa official statement ng Star Magic. “ABS-CBN and Star Magic fully support Liza Soberano’s filing of a criminal complaint with the Office of the City Prosecutor […]
-
Big time oil price rollback, inaasahan naman next week – DOE
INANUNSYO ng Department of Energy (DOE) na sa susunod na linggo ay magkakaroon naman ng big time oil price rollback. Ayon kay Director Rino Abad ng Oil Industry Management Bureau ng DOE, hindi pa nila masabi sa ngayon kung magkano ang ibabawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo. […]