• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MAINE, hinahamon na kumanta ng 25 songs na inayos na ng EB Shy Singer

MISS na ng mga fans at ilang araw nang hindi napapanood si Phenomenal Star Maine Mendoza sa daily noontime show na Eat Bulaga.

 

 

Tinatapos muna kasi ni Maine ang taping ng ilan pang episodes ng kanyang bagong show na #MaineGoals for Cignal TV and APT Entertainment na napapanood sa BuKo Channel, na sinusubukan niya ang iba’t ibang klase ng pamumuhay.

 

 

Nagustuhan ni Maine ang concept ng show, dahil may bucket list siya talaga ng mga bagay na gusto niyang gawin, na hindi rin niya kailangang umalis at dumayo sa malayong lugar.

 

 

Sinubukan ni Maine ang maging kutsero, farmer na talagang nagtanim siya, inakyat din niya ang matataas na lugar, nagpinta rin siya kasama ng mga pintor sa Angono, Rizal, sumakay sa banana boat, kahit nahulog siya sa malalim na dagat.

 

 

Pero ang hindi kinaya ni Maine ay ang challenge ng kasama niya sa EB, na si Shy Singer Khevin Almario, na after ng ECQ ay kakanta siya ng 25 songs na inayos na ni Khevin.

 

 

Ang pabirong sagot ni Maine: “Block. Report user. #BoycottKhevinAlmario”

 

 

Naniniwala raw kasi si Khevin na kaya iyon ni Maine, dahil maganda ang singing voice nito.

 

 

Wish ng mga fans, tanggapin pa rin ni Maine ang challenge sa kanya ni Khevin.   Ang #MaineGoals ay napapanood Mondays to Fridays, 7:30 – 8:00 PM sa Cignal TV Channel at SatLite Channel 2, kasama ang mga co-hosts niyang sina Chichirita at Chamyto.

 

 

***

 

 

FANS are asking kung totoong aalis na sa showbiz si Kapuso hunk actor Derek Ramsay, pagkatapos ng ilang kontrobersiya?

 

 

Hindi namin sure kung ilang taon ang exclusive contract na pinirmahan ni Derek sa GMA Network. Pero matapos niyang pumirma sa contract in 2019, isa pa lamang teleserye ang nagawa niya, ang The Better Woman with former girlfriend Andrea Torres.

 

 

Dapat ay may bago silang action-drama series na muling pagsasamahan ni Andrea, pero nangyari nga ang break-up nila, kaya si Andrea ay inilipat sa Legal Wives with Dennis Trillo, Alice Dixson, and Bianca Umali.

 

 

Isinama naman si Derek sa To Have and To Hold with Max Collins and Carla Abellana, pero hindi rin siya natuloy at si Rocco Nacino na ang kasama ngayon ng dalawang aktres.

 

 

Nanghihinayang naman ang mga fans kay Derek who is a very good actor, kung totoong iiwanan na niya ang showbiz. Wala raw kasing makaka-question sa power of love.

 

 

But still wish pa rin nilang magbago ng isip si Derek at tapusin niya ang contract sa GMA.

 

 

***

 

 

AYON kay Willie Revillame, tulad ng kanyang “Tutok To Win” ng Wowowin, naipakiusap din daw niya sa pamunuan ng Clark International Airport at IATF, na every Sunday during the ECQ ay doon din mag-live show ang Sunday noontime show ng GMA Network na All-Out Sundays. Ngayon kasi, since August 9, ay doon na sila live na nagso-show ng Tutok To Win, Mondays to Fridays, 5:00 to 6:30 pm na napapanood sa GMA-7, hanggang may ECQ sa NCR.

 

 

Kung totoo ito, ibig sabihin, doon na mapapanood this Sunday, August 15, ang paggi-guest ng most in-demand singer and songwriter na si Ed Sheeran?

 

 

Isa sa mga songs na nagustuhan ng mga Pinoy kay Ed Sheeran ay ang “Thinking Out Loud” na minahal ng mga AlDbub fans nina Alden Richards at Maine Mendoza, since 2015.

 

 

But this Sunday, the singer-songwriter will perform his latest single “Bad Habits.”  Kaya don’t forget, mapapanood si Ed Sheeran sa All-Out Sundays sa GMA-7.

(NORA V. CALDERON) 

Other News
  • 10-day national mourning sa buong bansa idineklara ni PBBM dahil sa pagpanaw ni FVR

    IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, ang 10 araw na national day or mourning bilang pagdadalamhati sa pagpanaw ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.     Dahil dito ilalagay ang bandila sa half-mast sa lahat ng mga buildings kasama ang mga installations ng bansa sa ibang bansa.     Batay naman ito sa Proclamation No. […]

  • 5 high ranking PNP officials binalasa

    LIMANG high ranking officers ang inilipat ng puwesto ni Philippine National Police chief Gen. Benjamin Acorda, Jr., bilang bahagi ng reorganization ng PNP.     Batay sa order ni Acorda, na may petsang Nobyembre 17, itinalaga si dating PNP Director for Information and Communication Technology Management (DICTM) Maj. Gen. Bernard Banac bilang bagong Director ng […]

  • Bulacan inaugurates new youth rehabilitation center

    CITY OF MALOLOS – To guide the children in conflict with the law (CICL) towards a better future, the Provincial Government of Bulacan headed by Governor Daniel R. Fernando together with the Provincial Social Welfare and Development Office inaugurated the new Tanglaw ng Pag-asa Youth Rehabilitation Center (TPYRC) located at Brgy. Bulihan in this city […]