• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

17 sangkot sa game-fixing scandal sa MPBL, haharap na sa kasong kriminal

Magsasampa na ang mga prosecutors ng criminal charges laban sa 17 indibidwal na sinasabing sangkot sa match-fixing scandal sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) noong 2019.

 

 

Sa resolusyon ng Department of Justice (DoJ), nakitaan daw ng probable cause ang isinampang reklamo laban sa mga naturang indibidwal dahil sa paglabag sa Presidential Decree 1602 na may kaugnayan sa Presidential Decree 483 at nagbibigay ng parusa sa game-fixing o point shaving maging ang machinations sa sports contests.

 

 

Kabilang sa mga kakasuhan sina Mr. Sung na humaharap sa 14 counts ng game-fixing; Sonny Uy, 9 counts; Serafin Matias, Jr., 7 counts; Ferdinand Melocoton, 4 counts; Jake Diwa, 14 counts: Exequiel Biteng, 13 counts; Jerome Juanico, 14 counts; Matthew Bernabe, 12 counts; Abraham Santos, 10 counts; Ricky Morillo, 1 count; John Patrick Rabe, 7 counts; Ryan Regalado, 9 counts; Julio Magbanua, Jr., 10 counts; Janus Lozada, 1 count; Joshua Alcober, 1 count; @Kein aka Kein Zhu, 3 counts at @Emma aka Emma Meng, 1 count.

 

 

Ang mga sangkot sa game-fixing ay kinabibilangan din ng ilang players ng SOCCSKSARGEN Marlins.

 

 

Samantala, ibinasura naman ng DoJ ang reklamong 17 counts ng betting at multiple counts ng point shaving dahil sa kakulangan ng sapat na ebidensiya.

 

 

Ibinasura rin ng DoJ ang multiple counts ng game-fixing laban kina Kevin Espinosa, EJ Avila, Niño Dionisio at Nice Ilagan.

 

 

Sinabi noon ng MPBL na naganap ang paglabag ng mga indibidwal sa mga isinagawang laro sa Pasay; Pasig; Navotas; Caloocan; Muntinlupa; Batangas City; Bacoor, Cavite; Malolos, Bulacan; Angeles, Pampanga at Bacolod City mula Huloy hanggang Oktubre noong 2019.

 

 

Taong 2017 nang itatag ni Sen. Manny Pacquiao ang semi-professional MPBL.

Other News
  • Itatagal volcanic smog mula sa Bulkang Taal, hindi pa matukoy – PHIVOLCS

    HINDI pa matukoy sa ngayon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology kung hanggang kailan magtatagal ang nararanasan volcanic smog mula sa Bulkang Taal.     Ayon sa PHIVOLCS, hangga’t nagpapatuloy ang pagbubuga ng sulfur dioxide ng Bulkang Taal ay magtutuluy-tuloy din ang nararanasang vog sa ilang bahagi ng Luzon.     Ayon sa ahensya, […]

  • Pinoy athletes, kanya-kanya ring diskarte sa gitna ng COVID pandemic

    Pumapatok ang mga negosyo ng Filipino athletes na kanilang paraan sa gitna ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic.   Tulad nalang ng Philippine Basketball Association (PBA) players na sina Blackwater Elite forward Carl Bryan Cruz at ng kanyang girl friend na nagtitinda ng cleaning and disinfectant tools tulad ng alcohol, dishwashing liquid at iba pa. […]

  • Saso ibabalik ang bangis

    NAWALA SA ang pamatay na porma ni Yuka Saso kaya nagdaang limang torneo’y isang top 10 lang ang pinakamataas na tinapos sa 12th Ladies Professional Golf Association (LPGA) of Japan Tour 2020, magbuhat nang makadalawang sunod tagumpay sa mayamang paligsahan sa kontinente.   Desidido ang 19-anyos na Fil-Japanese na tubong sa San Ildefonso, Bulacan na […]