18,271 puwesto sa gobyerno, pupunan sa midterm polls
- Published on September 5, 2024
- by @peoplesbalita
INIHAYAG ng Commission on Elections (Comelec) na kabuuang 18,271 puwesto sa gobyerno ang nakatakdang punuan sa idaraos na National and Local Elections (NLE) sa Mayo 2025.
Ayon sa Comelec, pangunahin sa mga naturang posisyon ay 12 sa pagka-senador, 254 na miyembro ng House of Representatives at 63 party-list representatives.
Pupunuan din ang posisyon ng 82 gobernador, 82 bise gobernador, at 792 provincial board members.
Gayundin ang 149 city mayors, 149 city vice mayors, 1,582 city councilors, 1,493 town mayors, 1,493 town vice mayors, at 11,948 town councilors.
Pupunuan din ang 32 miyembro ng parliament ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), at 40 BARMM party list representatives.
Ang filing ng certificate of candidacy (COC) ay itinakda na ng Comelec sa Oktubre 1 hanggang 8.
Umaarangkada pa naman ang voter registration period at magtatapos sa Setyembre 30, 2024.
-
Ads June 2, 2023
-
Tawang-tawa si Isko sa kuwento na nagpakalalaki noon: VICE GANDA, gusto nang magka-anak kaya balak magpa-surrogate
ANG pagiging parehong laking Tondo nila ang isa sa dahilan kung bakit si Vice Ganda ang ininterview ng former Manila Mayor na si Isko Moreno. Aliw ang mga reaction ni Isko lalo na nang malaman nito na nagkaroon pala ng mga girlfriends si Vice noong araw. “Nagka-girlfriend ako. Lima,” sey niya […]
-
Caperal ipinagmalaki nina Caguioa, Devance
HINDI naitago nina Mark Anthony Caguioa at Joe Calvin Devance ang pagsaludo kay Prince Renmer Caperal. Ito’y nang anihin nang huli ang kanyang ang kanyang pagtitiyaga sa pangatlong taon sa Barangay Ginebra San Miguel, nang tanghaling Most Improved Player ng pandemic-shortened 45th Philippine Basketball Association (PBA) 2020 Philippine Cup sa Virtual Special Awards Night […]