• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

186 lugar sa NCR naka-granular lockdown – PNP

Nasa 186 pang lugar sa Metro Manila ang nakasailalim  sa granular lockdown.

 

 

Sa datos ng  Philippine National Police (PNP), bumaba na ang  bilang mula sa 192 na naitala kamakalawa.

 

 

Ang mga lugar na naka-lockdown ay mula sa 122 mga barangay sa Metro Manila kabilang ang 133 mga bahay, 19 residential building, 15 kalsada, 14 na subdivision at isang settlement.

 

 

Ayon sa  PNP, ang local government unit pa rin ang nagdedesisyon kung kailan aalisin ang granular lockdown sa isang lugar.

 

 

Sa mga lugar na nakalockdown, naka-deploy ang nasa 687 PNP personnel at 701 force multipliers upang matiyak na nasusunod ang health protocols.

 

 

Ang granular lockdown ay sinasabing micro level quarantine sa mga lugar na itinuturing na kritikal ng  local government units.

 

 

Matatandaan na pinalawig pa ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pilot implementas­yon ng Alert level system na may granular lockdown hanggang Oktubre 15. (Gene Adsuara)

Other News
  • GSIS non-life insurance premiums, pumalo sa record-breaking na P6.8 B noong 2022

    INIULAT ng  Government Service Insurance System (GSIS) ang  record-breaking P6.8 billion  na gross premiums written (GPW) sa kanilang non-life insurance business para sa taong 2022.     Ito ang pinakamataas na naitala ng GSIS sa kanilang kasaysayan.     Ang 2022 GPW ng GSIS ay tumaas ng 15% mula sa P5.9 bilyong piso noong nakaraang […]

  • Peoples Empowerment Act, inaprubahan sa huling pagbasa

    Inaprubahan sa huling pagbasa ang mga mahahalagang panukala kabilang na ang  House Bill 7950 o ang “People’s Empowerment Act.”    Sa botong 217-0, at anim na abstensyon, layon ng panukala na itatag ang sistema ng pakikipagsosyo sa pagitan ng mga lokal na pamahalaan at mga civil society organizations (CSOs) sa pamamagitan ng pagtatatag ng People’s […]

  • Simula Oktubre 1: Lanao del Sur, isinailalim sa MECQ; Metro Manila, mananatili sa GCQ

    INILAGAY ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Lanao del Sur kabilang na ang Marawi City sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) simula Oktubre 1 hanggang Oktubren 31, 2020.   Habang ang Iloilo City ay inilagay naman sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) simula rin sa Oktubre 1.   Matatandaang, inilagay ng mga […]