1,992 pangalan, pinasisilip ng Kamara sa PSA
- Published on December 11, 2024
- by @peoplesbalita
HINILING ng House Committee on Good Government and Public Accountability sa Philippine Statistics Authority (PSA), na beripikahin ang civil registry records ng 1,992 indibidwal na sangkot sa P500 milyong confidential funds na ginastos umano ng Office of the Vice President (OVP) sa ilalim ng pamunuan ni Vice President Sara Duterte.
“May we request for the verification of the Civil Registry Documents (birth, marriage, and death) of the names in the attached list relative to the investigation being conducted by the Committee,” pahayag ni committee chair Manila Rep. Joel Chua sa kanyang Dec. 9 liham kay National Statistician and Civil Registrar General Claire Dennis Mapa.
ang kahilingan ay dala na rin sa report ng PSA na nagpapakita sa discrepancies sa unang batch ng mga pangalan na na ugnay sa P112.5 million confidential funds na ipinamahagi ng Department of Education (DepEd) noong termino ni Duterte bilang secretary noong 2023.
sa 667 pangalan, nabatid na 405 ang walang birth records, 445 ang walang marriage certificates, at 508 ang walang death certificates.
ngayon, ang mga pangalan na pinasisilip ay lumitaw sa acknowledgment receipts (ARs) na isinumite ng OVP sa Commission on Audit (COA) para sa confidential fund expenditures mula sa huling bahagi ng 2022 hanggang third quarter ng 2023.
sinabi ni Chua ang importansiya ng PSA verification sa pag ungkat ng iregularidad.
“A certification that these names are not in the PSA database would bolster suspicions that they do not exist and that the ARs were fabricated to justify confidential fund expenditures by the OVP and DepEd under Vice President Duterte,” dagdag ni Chua.
Hinala ng ilang mambabatas na karamihan sa mga pangalan ay peke. (Vina de Guzman)
-
Tulong medikal ng CDA pinuri ni Bong Go
DUMALO si Senator Christopher “Bong” Go sa pagbubukas ng Cooperative Development Authority-Philippine Charity Sweepstakes Office Partnership Program on Medical Assistance for Cooperatives (PMAC) sa CDA Main Office sa Quezon City. Bilang bahagi ng inisyatiba, ang mga miyembro ng micro at small cooperative na may mga isyu sa kalusugan ay makatatanggap ng tulong pinansyal […]
-
Paghahanap sa 14 Pinoy sa OccMin boat collision, patuloy pa rin
Nagpapatuloy pa rin ang search and rescue operation ng Philippine Coast Guard o PCG sa mga nawawalang mangingisda at pasahero ng isang fishing boat sa Occidental Mindoro. Katuwang ngayon ng PCG sa paghahanap ang tauhan ng Philippine Navy at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR maging ang Bureau of Fire Protection o […]
-
Malakanyang, todo-depensa sa pagkakapili kay Gierran bilang bagong PHILHEALTH Chief
IGINIIT ng Malakanyang na hindi kailangan na isang health expert ang dapat na maitalaga sa PHILHEALTH upang maayos na mapagana ang ahensiya. Ito ang naging tugon ni Presidential spokesperson Atty Harry Roque sa reaksiyon ng Unyon sa PHILHEALTH na sanay ang naitalaga sa kanila ay isang eksperto sa health insurance. Binigyang halimbawa pa […]