1st WNBL Draft 2021 idaraos sa Pebrero 7
- Published on February 4, 2021
- by @peoplesbalita
NAKAHANDA na ang lahat para sa 1st Women’s National Basketball League (WNBL) Rookie Draft 2021 sa darating na Linggo, Pebrero 7.
Mga kasalukuyan at dating kasapi ng Gilas Pilipinas o national women basketball team ang mga manguna at tiyak na maging top picks ds virtual event habang sinisimulan ng mga koponan ang proseso ng pagbalangkas ng kani-kanilang mga manlalaro.
Idaraan sa loterya ang pagkakasunud-sunod ng draft at ang paglabas ng opisyal na listahan ng mga draftee nakatakdang gawin nitong Martes, Pebrero 2.
Napag-alaman kahapon kay WNBL executive vice president Rhose Montreal na naatrasado ang okasyon sanhi nang mahigpit sa quarantine protocol, pero ginugol nila ang pahinga ng liga upang mailatag ang mga plano para sa pagpailanlang sa 2021 ng unang pambansang liga sa basketbol ng kababaihan.
Hinirit pa ng opisyal na sinuri nilang mabuti ang mga koponang nagpalistang sumali, at sa kabuuag 17 mga aplikante, anim lang ang mga pumasa sa aspetong pinansiyal na mga kalahok na rin sa liga
“Maingat kami dahil pro league kami. Inuna naming sa bawat team ang kakayahan sa pananalapi mahalaga para sa mga manlalaro, na mababayaran nang maayos at ang pangako sa kanila’y matutupad.” (REC)
-
Sangley Airport maaatraso ang development
Ang pamahalaang lokal ng Cavite ay walang nakuhang bid para sa Sangley Point International Airport kung kaya’t tinatayang maaatraso ang development nito bilang isa sa mga alternatibong paliparan sa bansa. “We had to declare failure of bidding. The Cavite’s Public Private Partnership (PPP) selection committee would reconvene to decide on the future […]
-
LTFRB: Walang consolidation, walang prangkisa ang jeepneys, UV Express
ISANG memorandum ang nilabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na naglalaman kung saan ang mga operators ng traditional jeepneys, UV Express at multicabs ay hindi na papayagan ng mag operate kung hindi sila lalahok sa isang kooperatiba o magtatayo ng korporasyon. Binigyang hanggang June 30 ang mga operators na […]
-
Leon’ lumakas pa: North Luzon, Quezon, Bicol tinumbok
LUMABAS ang bagyong Leon habang nasa may katubigan ng silangan ng Cagayan. Alas-5 ng hapon kahapon, ang sentro ng Leon ay namataan ng PAGASA sa layong 505 kilometro silangan ng Tuguegarao City, Cagayan o nasa layong 515 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan. Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa […]