• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2.2 milyong mag-aaral, mabebenepisyuhan ng ‘Libreng Sakay’ ng LRT-2

INIHAYAG  ni Light Rail Transit Authority (LRTA) Administrator Atty. Hernando T. Cabrera na tinatayang aabot sa 2.2 milyon ang mga mag-aaral na makikinabang sa ‘Libreng Sakay’ program na ipagkakaloob ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) sa unang quarter ng School Year 2022-2023.

 

 

Ayon kay Cabrera, ang ‘Libreng Sakay’ program ng LRT-2 ay nakatakdang simulan sa Agosto 22 hanggang Nobyembre 5, 2022, alinsunod na rin sa kautusan ni Pang. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr..

 

 

Ani Cabrera, bago pa man ang pandemya, ang tipikal na weekday average ridership ng LRT-2 ay nasa 90,000-100,000 kada araw.

 

 

Siniguro rin niya na nag­handa na sila ng sistema upang matiyak ang ligtas, maayos at episyenteng pagpapatupad ng programa.

 

 

“We have prepared a system to ensure the safe, smooth, and efficient implementation of the program in compliance with the directive of the Department of Transportation,” aniya pa sa isang pahayag.

Other News
  • Guce ika-52, binulsa P53K

    SINARA ni Clarissmon ‘Clariss’ Guce ang kampanya sa one-over par 72 pa-three-over par 216 at mapabilang sa apat na nagtabla sa ika-52 posisyon na mayroong $1,067 (P53K) bawat isa pagrolyo ng 16th Symetra Tour 2021 11th leg $250K (P12.4M)  4th Donald Ross Course sa The Donald Ross Cross Course sa Frenck Linck, Indiana nitong Sabado […]

  • Weightlifters na mga tinuruan ni Hidilyn Diaz namamayagpag sa Batang Pinoy

    PATULOY ang pamamayagpag ng mga weightlifters na sinasanay ni Olympic gold medalist Hidilyn Diaz-Naranjo sa Batang Pinoy sa Puerto Princesa, Palawan.     Nanguna dito sa Adonis Ramos sa boys 16-17 55kgs. category kung saan nakamit nito ang kabuuang 185 kgs. lift .     Ilan sa mga kasama nito ay sina Maybell Riones sa […]

  • LTFRB: 2 bus consortiums binigyan ng show-cause orders

    Binigyan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang dalawang (2) bus consortiums na pumapasada sa EDSA Busway dahil sa alegasyon na hindi sila nakapaglaan ng hustong dami ng public utility buses (PUBs).       Inutusan ng LTFRB ang ES Transport at Partners and Mega Manila Corp. na magbigay ng kanilang paliwanag kung […]