• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 binata timbog sa marijuana

KALABOSO ang dalawang binata matapos makuhanan ng marijuana makaraang masita ng mga pulis na nagpapatupad ng city ordinance sa Lungsod ng Navotas.

 

Kinilala ni Navotas Police Sub-Station 3 Chief P/Capt. Cyril Lawrence Tubongbanua ang naarestong mga suspek na si Rodelson Roxas, 21 ng Longos, Malabon at Raymart Senolos, 21 ng Dagat-Dagata, Navotas.

 

Sa report ni SDEU investigator PCpl Jaycito Ferrer kay Navotas Police Chief Col. Rolando Balasabas, alas-4:45 ng madaling araw, nagpapatupad ng city ordinance ang mga tauhan ng Navotas Police Sub- Station 3 sa pamumuno ni P/Capt. Tubongbanua sa Lapu-Lapu Bridge, Brgy. Bangkulasi, Navotas city nang mapansin nila ang mga suspek na gumagala sa lugar na malinaw na paglabag sa curfew.

 

Nang sitahin, nakumpiska nina PCpl Regie Alilano at PCpl Paul Albert Awayang sa mga suspek ang 22 plastic sachets na naglalaman ng aabot sa 72 gramo ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na tinatayang nasa P8,640 ang halaga kaya’t inaresto ang dalawa.

 

Pinuri ni NPD Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang Navotas Police SS-3 sa pamumuno ni P/ Capt. Tubongbanua sa ilalim ng pangangasiwa ni Col. Balasabas sa dahil sa matagumpay na pagkakaaresto sa mga suspek. (Richard Mesa)

Other News
  • Mga jeepneys na hindi sumali sa PUVMP, huhilin simula May 1 bilang colorum units

    SIMULA May 1 ay manghuhuli na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng mga colorum na jeepneys na hindi sumali at lumahok sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan.     Ayon kay LTFRB chairman Teofilo Guadiz na may 79 porsiyento ng mga public utility vehicles (PUVs) sa buong bansa ang […]

  • Get ready to Immerse Yourself in the Captivating universe of ‘Dune: Part Two,’ featuring Timothée Chalamet and Zendaya

    Warner Bros. Pictures and Legendary Pictures proudly present the new trailer for “Dune: Part Two,” the sequel to the six-time Oscar-winning “Dune” by director Denis Villeneuve.     Promising an enthralling blend of romance and action, this war epic features an ensemble cast of Timothée Chalamet, Zendaya, and more. Mark your calendars for February 28, […]

  • HEPE NG NBI-ANTI TERRORISM DIVISION, NAG-SUICIDE

    LALONG tumibay  ang anggulong suicide  ang pagkamatay ng hepe ng NBI-Anti Terrorism Division makaraang kumpirmahin ng kanyang misis na matinding depresyon ang sinasabing nagtulak para  wakasan ang kanyang buhay. Ayon kay Atty. Maria Rosario Bernardo,may pinagdadaanang colon cancer  si Raoul Manguerra sa edad na 49. Napag-alaman na kamakailan lamang ay namatay din ang ama ni […]