2 binitbit sa cara y cruz at baril sa Malabon
- Published on August 12, 2022
- by @peoplesbalita
BAGSAK sa kalaboso ang dalawang laborer matapos maaresto sa isinagawang anti-illegal gambling operation at makuhanan ng baril ang isa sa mga ito sa Malabon City.
Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang mga naarestong mga suspek bilang si Allan Bataanon, 37, ng Mabolo St., Brgy., Maysilo at Norlito Pacon, 40, ng C-4 Road, Brgy., Tañong.
Lumabas sa imbestigasyon nina PSSg Ernie Baroy at PSSg Diego Ngippol, nakatanggap ang Station Inteliigence Section (SIS) ng impormasyon mula sa Barangay Information Network (BIN) hinggil sa nagaganap na illegal na sugal “cara y cruz” sa Leoño St., Brgy., Tañong.
Kaagad namang rumesponde sa naturang lugar ang mga operatiba ng SIS sa pangunguna PLT Richel Sinel sa koordinasyon sa Sub-Station 6 sa pamumuno ni PLT Manny Ric Delos Angeles na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek matapos maaktuhang nagka-cara y cruz dakong alas-3:15 ng madaling araw.
Narekober ng mga pulis ang tatlong pirasong one-peso coin na gamit bilang “pangara” at P890.00 bet money habang nang kapkapan ang mga suspek, nakuha kay Pacon ang isang cal. 38 revolver na kargado ng anim na bala.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa PD 1602 as Amended by RA 9287 habang karagdagang kasong paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunations ang kakaharapin ni Pacon. (Richard Mesa)
-
BBM-SARA UNITEAM, SUPORTADO NG MGA NEGOSYANTE SA CEBU!
MAHIGIT 50 negosyante sa Cebu ang pormal na nagpahayag ng suporta sa pagsusulong ng BBM-SARA Uniteam sa isang simpleng seremonya sa Mandaue City, Biyernes ng umaga. Ang mga negosyante, karamihan ay mula sa small and medium entrepreneurs (SMEs) na naapektuhan at pilit bumabangon sa gitna ng pandemya, ay bumuo ng samahan na […]
-
Pagbaril ng senglot na parak sa leeg ng 52-anyos na ale ‘hindi isolated case’ — DILG
Maaaring mas madalas pa kaysa sa gustong aminin ng gobyerno ang mga nangyayaring karumal-dumal na pagpatay ng mga kawani ng Philippine National Police sa mga sibilyan, pag-amin ng Department of the Interior and Local Government. Martes lang nang arestuhin si Police M/Sgt. Hensie Zinampan, na nakuhanan ng video nang patayin ang nakaalitang 52-anyos na si […]
-
Maraming pinagdaanan sa isang dekadang pagsasama: ZOREN, sobrang sweet at nakakikilig na mensahe para kay CARMINA
PROUD Pinoy ang SB19 dahil dito sa Pilipinas nila idaraos ang pagtatapos ng world tour nila ng kanilang ‘WYAT (Where You At)’ concert tour. Bago matapos ang taon, isang homecoming concert ang inihanda ng phenomenal Pinoy band na SB19 para sa kanilang Pinoy fans bilang selebrasyon sa pagtatapos ng kanilang WYAT (Where You At) […]