2 drug pushers arestado sa Caloocan buy-bust
- Published on December 3, 2020
- by @peoplesbalita
Rehas na bakal ang kinasadlakan ng dalawang tulak ng ilegal na droga matapos makumpiskahan ng baril at P68-K halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City.
Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr. ang naarestong mga suspek na si Michael Ponayo, 37 at Orwin Callejo, 37, kapwa (watch-listed pusher).
Ayon kay Col. Mina, dakong 7 ng gabi nang maaresto ang mga suspek ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) warrior sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo sa buy-bust operation sa bahay ni Ponayo sa No. 25 Marulas B, Brgy. 36 matapos bentahan ng P7,500 halaga ng shabu ang isang undercover police na nagpanggap na buyer.
Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang nasa 10 gramo ng shabu na nasa P68,000 ang halaga, buy-bust money, isang cal. AR type 9mm pistol na kargado ng limang bala.
Sinabi ni Col. Mina, ang operation ay nagmula sa impormasyon na isiniwalat ng isang drug suspect na naaresto ng mga operatiba ng SDEU sa kanilang dating operation.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 at paglabag sa RA 10591. (Richard Mesa)
-
Ads October 1, 2021
-
Pinayuhan ng netizens na mag-ingat at lumipat na lang: ANGELIKA, nakatanggap ng isang sulat na may kasamang apat na bala
NAKATATAKOT at nakaaalarma naman ang pinost ng aktres na si Angelika dela Cruz sa kanyang facebook, na kung saan pinadalhan sila ng isang sulat na may kasamang apat na bala. Caption ng Kapitana ng Brgy. Longos, “napaka dumi po talaga ng politika sa ating bansa .. yan po ang sulat at bala na pinadala […]
-
Mark Wahlberg Reveals Why ‘Father Stu’ Is His Most Important Film To Date
MARK Wahlberg, the star of the upcoming biographical drama Father Stu, reveals why he thinks it’s the most important film of his career to date. Helmed by first-time director Rosalind Ross, Father Stu follows the real-life story of Father Stuart Long, a boxer-turned-priest who inspired myriad people in his journey from self-destruction to redemption. All the while, he was […]