2 Grab driver timbog sa P272K shabu sa Valenzuela
- Published on April 12, 2021
- by @peoplesbalita
Kulong ang dalawang Grab driver na sangkot umano sa pagbebenta ng ilegal na droga matapos makuhanan ng halos P.3 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ang mga naarestong suspek na si Richard Nicolas, 42, Grab driver ng 17 E. Guniguni St. Manotoc Subd. Brgy. Baesa at Jeffrey Fermin, 38, Grab driver ng Lot 20 Summit Hills, HOA Langka St. Payatas, kapwa ng Quezon City.
Sa imbestigasyon ni PCpl Pamela Joy Catalla, dakong 12:10 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo ng buy bust operation kontra sa mga suspek sa kahabaan ng Gen T. Road, Gen. T De Leon, (near Tulyahan-Ugong Bridge) kung saan nagawang makapagtransaksyon ni PCpl Francis Cuaresma na nagpanggap na buyer sa mga suspek ng P10,000 halaga.
Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng shabu ay agad nagbigay ng signal si PCpl Cuaresma sa back up na mga operatiba na si PCpl Robbie Vasquez at PCpl Noriel Boco na mabilis namang lumapit saka dinamba si Nicolas at Fermin.
Nasamsam sa mga suspek ang nasa 40 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P272,000.00ang halaga, buy bust money na binubuo ng isang tunay na P1,000 bill at 9 pirasong boodle money, P500 cash, dalawang cellphones, coin purse, 3 assorted ID, itim na sling bag, at isang kulay pulang Toyota Vios (NDI1843).
Kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa Valenzuela City Prosecutors Office. (Richard Mesa)
-
Pagtigil sa produksyon ng National ID cards, dahil sa terminasyon ng kontrata
ITINIGIL muna ang produksyon ng National ID cards matapos ang terminasyon ng isa sa mga kontrata sa ilalim ng programa. Ito ang sinabi ng AllCard Inc. (ACI) subalit iginiit na hindi ito ang dahilan ng pagkaantala. Kinumpirma ni ACI President Roy Ebora na ang printing ng ID cards ay itinigil mula […]
-
Gilas Pilipinas nangangalabaw ‘Calambubble’ training camp
MARIING tinapakan na ng Gilas Pilipinas o national men’s basketball training pool ang silinyador sa pag-eensayo sa Inspire Sports Academy bubble sa Calamba, Laguna nitong Lunes, Pebrero 8 ngayong wala ng isang linggo bago umalis sa darating na Lunes, Peb. 15. Kaugnay ito sa sasabakan ng PH quintet na third and final window […]
-
EJ Obiena excited ng maging flag bearer sa SEA Games
LUBOS ang kasabikan ni Filipino Pole Vaulter EJ Obiena sa pagiging flag bearer ng bansa sa pagsisimula ngayong araw ng 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam. Dumating ang 26-anyos na si Obiena isang araw bago ang formal opening ceremony na gaganapin sa My Dinh National Stadium. Napili kasi ang world […]