2 huli sa cara y cruz, shabu ang taya
- Published on November 6, 2020
- by @peoplesbalita
DALAWANG binata ang arestado matapos maaktuhan ng mga tauhan ng Maritime Police habang nagsusugal ng cara y cruz at shabu umano ang taya sa Navotas City.
Kinilala ni Navotas Maritime Police Station (MARPSTA) Ma- jor Rommel Sobrido ang mga naarestong suspek na si Sherwin Tiu, 27, Stevedore at Ariel Corona, 18, stevedore, kapwa ng Brgy. NBBN.
Sa report ni Maj. Sobrido kay Northern NCR MARPSTA P/ Col. Ricardo Villanueva, alas- 12:10 ng hating gabi nang respondehan ng mga tauhan ng MARPSTA sa pangunguna ni PLT Erwin Garcia ang tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap na ilegal gambling sa N. Symaco Consignacion, Market 3, NFPC, Brgy. NBBN.
Pagdating sa lugar, naaktuhan ng mga pulis ang mga suspek na naglalaro ng cara y cruz dahilan upang arestuhin ang mga ito kung saan narekober sa kanila ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na nasa P500 ang halaga, P230.00 bet money at tatlong peso coins na gamit bilang toss coin.
Ayon kay MARPSTA PSMS Bong Garo II, mahaharap ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa City Ordinance (Curfew), PD 1602 as Ammended by RA 9287, Art. 151 (Disobedience to Person in Authority), RPC at Sec. 11 of RA 9165. (Richard Mesa)
-
Marcial solong sasabak sa Asian Championships
Tanging si Eumir Marcial lang ang Olympian na masisilayan sa Asian Elite Boxing Championships na idaraos sa Mayo 21 hanggang Hunyo 1 sa Dubai, United Arab Emirates. Ito ang inihayag ni Marcial kung saan hindi magpapartisipa ang mga kapwa Tokyo Olympics qualifiers na sina Nesthy Petecio, Irish Magno at Carlo Paalam. “Ako lang […]
-
Pasadong-pasado sa pagganap bilang Maria Clara: Pag-awit ni JULIE ANNE ng ‘Ave Maria’ habang nagpi-piano, nag-trending
NAGING madali ang pagka-cast kay Asia’s Limiless Star Julie Anne San Jose, bilang Maria Clara sa historical fictional fantasy portal ng GMA Network, ang “Maria Clara at Ibarra.” Dahil sa maganda niyang boses, husay sa pagtugtog ng musical intruments, pasadong-pasado nga siya sa role, bukod pa sa mahusay din siyang umarte. […]
-
LTFRB: 70% PUV capacity pa rin sa NCR
Ang kapasidad ng mga public utility vehicles (PUVs) sa National Capital Region ay mananatili pa rin sa 70 porsiento ngayon kapaskuhan kahit na ang Metro Manila ay nasa “very low” risk ng klasipikasyon. Isang memorandum circular ang nilabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na may updated na guidelines para […]