• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 kelot na nasita sa paninigarilyo, buking sa P170K shabu

SHOOT sa selda ang dalawang drug suspects matapos mabisto ang dala nilang nasa P170K halaga ng ilegal na droga makaraang masita ng mga pulis dahil sa pagyoyosi sa ipinagbabawal na lugar sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

 

 

Sa ulat ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, habang nagsasagawa ng foot patrol ang mga tauhan ng Police Sub-Station 2 sa kahabaan ng 1st Avenue Brgy., 120, dakong alas-4:40 ng hapon nang maispatan nila ang dalawang lalaki na nakatambay habang naninigarilyo sa pampublikong lugar na malinaw na paglabag sa umiiral na ordinansa ng lungsod.

 

 

Nang lapitan sila ng mga pulis para isyuhan ng ordinace violation receipt (OVR) ay bigla na lamang kumaripas ng takbo ang dalawa sa kabila ng utos sa kanila na huwag tumakbo kaya hinabol sila ng mga arresting officers hanggang sa makorner.

 

 

Nang kapkapan, nakumpiska sa mga suspek na sina alyas ‘Dugong’ at ‘Bubong’ ang limang plastic sachets na naglalaman ng aabot sa 25 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P170,000.00 na naging dahilan upang bitbitin sila ng pulisya sa selda.

 

 

Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas si Col. Lacuesta at kanyang mga tauhan sa matagumpay na pagkakaaresto sa mga suspek bilang pagtugon sa inilatag na agenda ng PNP Chief na ‘Aggressive and Honest Law Enforcement Operations’.

 

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • PISTON maglulunsad ng 3-day “tigil pasada”

    NAG-ANUNSYO ang transport group na Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) na maglulunsad sila ng 3-day “tigil pasada” upang tutulan ang pagpapatupad ng PUV consolidation na may deadline sa Dec. 31.       Itinakda ng PISTON ang darating na strike simula sa November 20 kung saan nila pinahayag sa isang […]

  • Ina ni Maine sa pekeng video scandal ng anak: ‘Di makatarungan

    Hindi napigilan ng ina ni Maine Mendoza na maging emosyonal nang tuluyang dumulog sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI)-Cyber Crime Division kaugnay ng kumalat na video scandal umano ng aktres kamakailan.   Ngayong araw, December 28, nang magtungo sa NBI ang ina ni Maine na si Mrs. Mary Ann Mendoza kasama ang abogado […]

  • Quezon City University libre tuition fee

    HINDI  na magiging problema ang tuition fee ng mga graduating sa senior high school at papasok sa kolehiyo dahil libre ang tuition fee sa Quezon City University (QCU).     Ayon kay Theresita V. Atienza, Pangulo ng QCU, dapat na samantalahin ang libreng college education na ino-offer ng QCU sa mga kabataan ng lungsod matapos […]