• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 kelot na nasita sa yosi sa Caloocan, isinelda sa baril

HIMAS-REHAS ang dalawang lalaki matapos mabisto ang dalang baril makaraang masita ng mga pulis dahil sa paninigarilyo sa pampublikong lugar sa Caloocan City.

 

 

Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, habang nagsasagawa ng police visibility patrol ang mga tauhan ng Sub-Station 13 sa Phase 8B, Bagong Silang, Brgy 176, nang maispatan nila ang isang lalaki na naninigarilyo sa pampublikong lugar dakong alas-10:00 ng gabi.

 

 

Nang hingan ng kanyang identification card para maisyuhan ng Ordinance Violation Receipt ay tumakbo ang suspek kaya hinabol siya ng mga pulis hanggang aksidenteng matalisod kaya nagawa siyang makorner at dito, napansin nila ang puluhan ng baril na nakausli sa kanyang kanang baywang.

 

 

Nang walang maipakita ang suspek na dokumento hinggil sa ligaledad ng nakuha sa kanya na isang kalibre .38 revolver na kargado ng dalawang bala ay binitbit siya ng mga pulis.

 

 

Nauna rito, alas-12:30 ng mdaling araw nang madakip din ng mga tauhan SS13 ang isa pang lalaki makaraang mabuking ang dalang isang cal. 38 revolver na kargado ng tatlong bala at wala ring dokumento hinggil sa ligaledad nito matapos masita nila dahil sa paglabag sa city ordinance (smoking in Public Places) sa Phase 8A, Brgy 176, Bagong Silang.

 

 

Pinuri naman ni NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas ang Caloocan police sa kanilang pina-igting na police visibility patrol na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na kapwa mahaharap sa kasong paglabag sa Art. 151 of RPC at RA 10591. (Richard Mesa)

Other News
  • DBM AT COA PINALAWIG ANG KONTRATA NG JOB ORDERS AT CONTRACTUALS

    PINALAWIG pa ng Department of Budget and Management (DBM) at Commission on Audit (COA) hanggang 2022 ang pagkuha ng mga contractual at job orders na mga empleyado.   Sa Joint Circular No. 2, na dahil sa krisis dulot ng COVID-19 ay naapektuhan ang operasyon ng mga government agencies kaya mahalaga ang mga job orders at […]

  • Dengue cases tuloy sa pagsirit

    PATULOY  ang pagtaas ng mga kaso ng dengue sa bansa nang maitala na ito sa 118,785 mula Enero 1 hanggang Agosto 13, ayon sa Department of Health (DOH).     Mas mataas ito ng 143% kumpara sa mga naiulat na kaso sa parehong period noong 2021 na nasa 48,867 lamang noon, ayon kay DOH officer-in-charge […]

  • Metro Manila mayors nagkasundo na ipatupad ang 5-year Metro Manila traffic plan

    NAGKASUNDO ang mga alkalde ng Metro Manila at iba pang ahensya ng gobyerno na ganap na ipatupad ang isang komprehensibong plano sa trapiko para maibsan ang pagsisikip sa National Capital Region (NCR) bilang pag-asam ng mas magandang aktibidad sa ekonomiya sa susunod na limang taon.     Sinabi ni Atty. Romando Artes, acting chairman ng […]