• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 kelot na wanted sa kaso ng pagpatay, timbog sa Caloocan

DALAWANG lalaki na kapwa wanted sa kaso ng pagpatay ang nakalawit ng pulisya sa magkahiwalay na manhunt operations sa Caloocan City.

 

 

Sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng District Special Operation Unit (DSOU) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Major Marvin Villanueva na naispatan sa Brgy. 8 ang presensya ng akusadong si alyas “Boy Tigbak” na kabilang sa mga most wanted person ng lungsod.

 

 

Katuwang ang mga tauhan ng NPD-DID, MDIT-RIU-NCR, 34th SAC, at 3rd SAB SAF, agad nagsagawa ng joint manhunt operation ang DSOU na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas- 3:00 ng Lunes ng hapon sa Dagat-Dagatan Ave. Brgy. 8.

 

 

Ani Major Villanueva, ang akusado ay pinosasan ng kanyang mga tauhan sa bisa warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Rose Sharon Santiago Cordero-Abila ng Regional Trial Court Branch 129, Caloocan City noong April 18, 2024, para sa kasong Murder.

 

 

Nauna rito, alas-10:15 ng Sabado ng gabi nang masakote naman ng mga tauhan ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang 44-anyos na lalaki na kabilang din sa mga most wanted person ng lungsod sa manhunt operation sa Villa Campo Gemini St., Barangay 165.

 

 

Ayon kay Col. Lacuesta, inaresto ng mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 8 ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu din ni Presiding Judge Rose Sharon Santiago Cordero-Abila ng RTC, Branch 129, Caloocan City na may petsa ring April 18, 2024, para din sa kasong Murder.

 

 

Pinuri naman ni NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas ang Caloocan police at DSOU sa kanilang masigasig na kampanya kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang akusado. (Richard Mesa)

Other News
  • NILAGDAAN ni Mayor John Rey Tiangco, kasama ang 15 mga estudyante at kanilang mga magulang ang isang memorandum of agreement, na nagbibigay ng scholarship sa mga mahuhusay na kabataang Navoteño na nagpakita ng kakaibang kakayahan sa sining.     Sila ang pinakabagong mga benepisyaryo ng NavotaAs Arts Scholarship Program para sa school year 2024-2025 na […]

  • 3 anggulo, sinisilip sa Laguna chopper crash

    SINISILIP ng Philippine National Police ang nasa tatlong anggulo sa nangyaring pagbagsak ng helicopter na sinakyan ng hepe ng kapulisan kasama ang 7 iba pa, ayon sa nangunguna sa imbestigasyon.   Huwebes, Marso 5, nang gulantangin ang lahat matapos na bumagsak ang Bell 429 chopper sakay si Philippine National Police chief Gen. Archie Gamboa matapos […]

  • Phoenix Suns target si Chris Paul

    KINAUSAP ng Phoenix Suns ang Oklahoma City Thunder sa posibleng pagkuha nila kay All-Star point guard Chris Paul.   Maganda umano ang naging pag-uusap ng dalawang koponan pero wala pa umanong namumuong deal, ayon sa source.   Matatandaang iniligay din dati ng Thunder sa trade market sina Paul George at Russel Westbrook at ngayon handa […]