Phoenix Suns target si Chris Paul
- Published on November 12, 2020
- by @peoplesbalita
KINAUSAP ng Phoenix Suns ang Oklahoma City Thunder sa posibleng pagkuha nila kay All-Star point guard Chris Paul.
Maganda umano ang naging pag-uusap ng dalawang koponan pero wala pa umanong namumuong deal, ayon sa source.
Matatandaang iniligay din dati ng Thunder sa trade market sina Paul George at Russel Westbrook at ngayon handa na rin itong i- trade si Paul.
May mga mahuhusay na young roster sa pangunguna ni Devin Booker at Deandre Ayton ang Phoenix Suns kung saan maganda ang naging performance nito sa NBA bubble sa Orlando.
Bukod sa mga mahuhusay na batang manlalaro, ibinida rin ng Suns na malapit nang matapos ang first phase ng ginawang $230 million renovation ng Talking Stick Resort Arena. Target ding buksan ng Suns ang kanilang bagong $45 million state-of-the- art practice facility ngayon buwan.
Magkakaroon ng sobrang $20 million sa salary-cap space ang Suns ngayon transaction season na nagbigay sa kanila ng posibilidad na magkaroon ng magandang trade at makahanap ng free agents.
-
“‘WONKA’ IS ABOUT BRINGING A LIGHT INTO A WORLD THAT IS IN DESPERATE NEED OF IT,” SAYS TIMOTHÉE CHALAMET
Timothée Chalamet is proud to be a part of “Wonka.” All the singing and dancing aside, Chalamet, who plays the beloved chocolatier in the film, is most proud of being part of “a joyous movie, that is about bringing a light into a world that is in desperate need of it,” he […]
-
Pacquiao-Crawford fight pang-drumbeat sa FIFA World Cup
Sakaling maikasa ang laban, planong dalhin ang mega fight sa pagitan nina Manny Pacquiao at Terence Crawford sa Doha, Qatar bilang bahagi ng drumbeating para sa 2022 FIFA World Cup. Ayon kay Top Rank Promotions chief Bob Arum, nakikipag-ugnayan na ito sa ilang matataas na opisyales ng Qatar upang maikasa ang Pacquiao-Crawford fight. […]
-
Palasyo pinuna ang pagkakamali sa pangangasiwa
Mismong ang Malacañang na ang pumuna sa maling sistema na ipinatutupad ng pamahalaan sa pagpapauwi sa mga locally stranded individuals (lsiS) na pansamantalang nanantili sa Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, bulag siya kung sasabihing walang makikitang pagkakamali sa sistema. Ayon kay Sec. Roque, hindi nasunod ng […]