2 malaking karera kakaripas ngayon
- Published on December 12, 2020
- by @peoplesbalita
MAY dalawang malaking karera ang itatakbo ngayong Linggo, Disyembre 13 sa pista ng Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Ang mga ito ay 2020 Philippine Racing Commission (PHILRACOM) Lakambini Stakes Race at 2020 Juvenile Championship.
Pero dahil galit ang bayang karerista sa operasyon ng Philippine Racing Club Inc. (PRCI) sa mga patayaan nitong Mobile Off-Track Betting (MOTB) mabailis lang sa tayaan pero mahirap sa kubrahan ng mga patama.
“Marami ang hindi nakakasunod at asar na sa PRCI,” saad ni Ronaldo Cruz, isang kareristang residente ng nabanggit na lalwigan. “Mabilis kumain ng pera, mahirap magluwa.”
Kaya malamang na muling langawin ang dalawang arangkadahan dahil ayon sa mga mananaya mas masaya silang sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite at sa Metro Manila Turf Club sa Malvar-Tanauan, Batangas.(REC)
-
Warehouse ng toothpaste, sabon sa Malabon nasunog
TINATAYANG humigi’t-kumulang P2 milyon halaga ang naging pinsala sa ari-arian matapos sumiklab ang sunog sa isang warehouse ng toothpaste at sabon sa Malabon City, Martes ng madaling araw. Ayon sa Malabon Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-12:56 ng madaling araw nang sumiklab ang sunog sa warehouse ng Prime One Packing Design Corporation […]
-
Caritas Manila, sumaklolo sa naapektuhan ng bagyong Paeng
MATAPOS ang malawakang pinsala ng bagyong Paeng sa buong bansa, nagpaabot ng “cash aid” ang Caritas Manila, ang social arm ng Archdiocese of Manila sa Luzon, Visayas at Mindanao na lubhang nasalanta ng bagyo. Nagbigay ng paunang tulong 500, 000 pisong cash ang Caritas Manila sa Archdiocese of Cotabato na matinding nasalanta ng […]
-
Sa prestigious Jinseo Arigato International Film Festival: Direk NJEL, pinarangalan bilang ‘Best International Film Director’
MATAPOS maglunsad ng anim na pelikula nang sabay-sabay, naipanalo na naman ni Direk Njel de Mesa ng NDMstudios ang ating bayan sa prestihiyosong Jinseo Arigato International Film Festival sa Japan. Pinarangalan si Direk Njel ng “Best International Film Director” Award sa malaking Nagoya Trade and Industry Center sa Nagoya, Japan. Ang award ay ginawad ng […]