• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 million target COVID test, kayang maabot hanggang sa susunod na buwan

KUMPIYANSA ang gobyerno na aabot sa dalawang milyon ang kabuuang datos na sumailalim na sa PCR test sa susunod na buwan.

Ayon kay Testing Czar Secretary Vince Dizon, ito’y dahil na rin sa mas marami ng test laboratories na mayroon sa buong bansa na ngayon ay nasa 94 na.

“As of July 26”, sinabi ni Dizon na nasa 1.4 milyong test na ang nasa kanilang talaan na sumalang sa COVID 19 test.

Puntirya ng gobyerno na makapagsagawa ng 10 milyong test hanggang 2021 sa harap ng pagsisikap ng gobyernong matukoy, ma- trace at magamot ang mga tinamaan ng coronavirus disease.

Nauna rito, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque na ang 10 percent lamang ng population ng bansa ang kakayaning maisalang sa test na kaya aniyang maisakatuparan hanggang sa susunod na taon. (Daris Jose)

Other News
  • Tila may patama rin sa isang presidentiable: VICE GANDA, trending dahil sa ‘pink outfit’ na ikinatuwa ng ‘Kakampinks’

    NAGTI-TRENDING ang Unkabogable Phenomenal Star na si Vice Ganda sa Twitter noong April 18, isang araw pagkatapos ng controversial press conference sa Manila Peninsula nina Isko Moreno at Ping Lacson.     Trending si Vice dahil kahit na hindi nagsasalita and unlike other celebrities na out and vocal sa kung sinong kandidato ang sinusuportahan nila […]

  • Proteksiyon ng mga pasahero ngayong holiday rush isinulong

    PINATITIYAK ni Senador Win Gatchalian na mabibigyan ng proteksiyon ang mga pasahero ng mga taxi at tourist car transport services lalo ngayong panahon ng holiday rush.       Ito ang layon ng Senate Bill 819 o An Act Establishing the Rights of Passengers of Taxis, Tourist Car Transit Services, and Other Similar Vehicles for […]

  • Guillermo: Ang Handog ng Obra dominates 4th SINEliksik Bulacan Docufest and Docu Special

    CITY OF MALOLOS – The documentary film “Guillermo: Ang Handog ng Obra” bagged four major awards and took home a total of P170,000 cash prize during the 4th SINEliksik Bulacan Docufest and Docu Special held at the Nicanor Abelardo Auditorium, Hiyas ng Bulacan Cultural Center in this city recently.     Featuring the life, journey, […]