2 NAAKTONG NAGSA-SHABU SA LOOB NG KARITON SA NAVOTAS
- Published on March 3, 2022
- by @peoplesbalita
WALANG kawala ang dalawang lalaki matapos maaktuhan ng mga tauhan ng Maritime police na sumisinghot ng shabu sa loob ng isang kariton sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Northern NCR Maritime Police Station (MARPSTA) chief P/Major Randy Ludovice ang naarestong mga suspek na sina CJ Ramos, 22, construction worker ng Pinagbuhatan, Pasig City at Robel Pring, 32, garbage scavenger ng Banyera St., NFPC Brgy., NBBS, Navotas City.
Lumabas sa imbestigasyon ni PCMS Richard Denopol, dakong alas-2 ng hapon, nagsasagawa ng patrol operation ang mga tauhan ng MARPSTA sa pangunguna ni PCPT Luisito Balatico sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Major Ludovic sa pamamagitan ng pamumuno ni P/Col. Oliver Tanseco sa Navotas Fish Port Complex, Brgy., NBBN.
Dito, naaktuhan nila ang mga suspek na abala umano sa pagsinghot ng hinihinalang shabu sa loob ng isang nakabukas na kariton na naging dahilan upang lapitan nila ang mga ito sabay nagpakilalang mga pulis saka inaresto ang dalawa.
Inaresto nina Pat Ecequil Fabillar at Pat Samboy Pandi ang mga suspek at nakumpiska sa kanila ang isang transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P500 ang halaga at ilang drug paraphernalias.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
-
Relief goods lulan ng BRP Tubbataha nakatakdang ipamahagi
Kaagad nang ipapamahagi sa mga apektadong pamilya sa Bohol ngayong araw ang mga relief supplies na dala ng BRP Tubbataha. Ito ay matapos na makarating na sa Central Visayas ang naturang barko ng ulan ang 270 sako ng bigas, 37 piraso ng tarpaulin, apat na drum ng gasolina, apat na solar sets, dalawang […]
-
Wanted na rapist, nalambat sa manhunt ops sa Navotas
LAGLAG sa selda ang isang kelot na wanted sa kaso ng panggagahasa matapos mabingwit ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Navotas City. Ayon kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) na naispatan sa Brgy. Bangkulasi ang presensya ng 30-anyos na […]
-
Dahil imposible pang magkasama sa teleserye GABBY at SANYA, balik-tambalan sa isang Christmas episode
WHO will be the Ultimate Winner of “Running Man Philippines?” Finale episodes na this weekend ng “Running Man Philippines” at malalaman na kung sino ang mananalo sa mga contestants na sina Mikael Daez, Glaiza de Castro, Ruru Madrid, Kokoy de Santos, Angel Guardian, Lexi Gonzales and Buboy Villar. Wala ka kasing […]