2 ONLINE SELLER ARESTADO SA P40K SHABU
- Published on July 23, 2020
- by @peoplesbalita
ARESTADO ang dalawang babaeng online seller na sideline umano ang pagtulak ng ilegal na droga matapos bentahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa isinagawang buy-bust operation sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang naarestong mga suspek na si Jane Gellado, 38, ng Alupihan Dagat St. Brgy. Longos at Moneth Soriano, 38, ng 120 10th Ave. Grace Park Brg. 93, Caloocan city.
Sa imbestigasyon ni PMSg Randy Billedo, dakong ala-1:50 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Venchito Verillo ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa Leoño St. corner 1st St. Brgy. Tañong.
Nagawang makapagtransaksyon sa mga suspek ng isang sachet ng shabu na nagkakahalaga sa P500 ng isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer.
Matapos tanggapin ng mga suspek ang markadong salapi mula sa poseur-buyer kapalit ng shabu ay agad silang inaresto ng mga operatiba.
Narekober sa mga suspek ang walong plastic sachets na naglalaman ng aabot sa 6.0 gramo ng shabu na tinatayang nasa P40,800 ang halaga at buy-bust money. (Richard Mesa)
-
Presyo ng petrolyo muling sumirit
MATAPOS ang rollback noong nakalipas na linggo, muling sisirit sa araw na ito ang presyo ng mga produktong petrolyo, na sanhi ng hindi pa nareresolbang banggaan sa pagitan ng Russia at Ukraine. Sa magkakahiwalay na advisories, tataas ng P8.65 ang pump prices sa kada litro ng diesel at P3.40 sa kada litro ng […]
-
DOH: Mga deboto na nagpunta sa Quiapo mag-self quarantine
Upang makatiyak na hindi mahahawahan ang mga kapamilya kung sakaling nakakuha ng COVID-19, pinayuhan ng Department of (DOH) na mag-self quarantine muna ang mga deboto na nagtungo sa simbahan ng Quiapo nitong Sabado. Sa Facebook post ng DOH, ipinayo nito na mas makabubuting obserbahan muna ng mga deboto ang kanilang mga sarili kung mayroon […]
-
MICHAEL CINCO, na-imbiyerna at binanatan ang glam team ni Miss Universe Canada NOVA STEVENS sa pagkakalat ng ‘fake news’
IMBIYERNA ang Dubai-based Filipino fashion designer na si Michael Cinco sa pinakakalat na fake news ng glam team ni Miss Universe Canada Nova Stevens. Sinisi ng naturang team si Cinco kaya hindi nakapasok sa Top 21 semi-finalist ang kanilang representative sa Miss Universe 2020. Pinapalabas ng Canadian team na sinabotahe raw ni Cinco […]