2 pang biktima ng ‘palit ulo’ sa Valenzuela lumutang
- Published on May 15, 2024
- by @peoplesbalita
DALAWA pang biktima ng ‘palit-ulo’ scam ang lumutang sa Valenzuela City Hall upang ilahad ang kanilang karanasan at sinapit na panggigipit ng ACE (Allied Care Experts) Medical Center sa Valenzuela.
Iprinisinta ni Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian ang mga biktimang sina Nerizza Zafra at Cheryluvic Ignacio, na kapwa residente ng naturang Lungsod na kapwa dumanas ng panggigipit ng ACE Medical Center.
Sa kuwento ni Zafra taong 2017 nang manganak siya sa nasabing ospital at umabot sa halos P500,000 ang kanyang hospital bill.
Ayon kay Zafra, nakapagbayad sila ng P200,000 at nakiusap na promisory ang balanse na hindi inaprubahan ng ospital. Napilitan na lamang silang i-discharge ng ACE Medical Center nang humingi sila ng tulong mula sa Public Attorneys Office.
Gayunman, hindi naman ipinarehistro ng ospital ang birth certificate ng kanyang anak dahil sa kanilang outstanding balance.
Na-confine naman dahil sa Covid-19 noong 2021 si Ignacio kung saan umabot sa P275,374.47 ng kanyang hospital bill sa loob lamang ng 11 araw.
Ani Ignacio, hindi lahat ng hospital bill ay nabayaran ng kanyang health card kaya naiwan ang balanse na P150,372.00. Tulad ni Zafra nagsumite si Ignacio ng promissory note na hindi tinanggap ng ospital.
Dahil dito, napilitan si Ignacio na manatili sa quarantine facility hanggang sa nabayaran ng kanyang pamilya ang bill.
Kasama sina Gatchalian at Councilor Atty. Bimbo dela Cruz ng LAMP Sinag, nakapaghain na rin ng reklamo sina Zafra at Ignacio laban sa ilang tauhan ng ospital sa korte.
Samantala, kinumpirma naman ni Gatchalian na naglabas na ng warrant of arrest si Valenzuela Metropolitan Trial Court Branch 109 Judge Marita Iris Laqui Genilo laban sa mga akusado na sina Maria Cristina Eugenio, Raymond Masaganda, at Samuel Delos Santos, pawang mga hospital staff ng ACE Medical Center sa kasong inihain ni Lovery Magtangob na Slight Illegal Detention.
Si Magtangob ang namatayan ng mister at hindi pinayagan ng ospital na makalabas at makita ang burol nito. Tumanggi rin ang ospital na mag isyu ng death certificate hanggang hindi nakukumpleto ang hospital bill. (Richard Mesa)
-
PBBM, pinuri ang Philippine Embassy sa Kuwait, DMW para sa walang humpay na paghahabol at makamit ang katarungan para kay Jullebee Ranara
PINURI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Philippine Embassy sa Kuwait, ang Department of Migrant Workers (DMW), at ang mga Kuwaiti authorities para sa walang humpay na paghahabol at makamit ang hustisya para sa pinatay na OFW na si Jullebee Ranara matapos hatulan ng guilty ng Kuwaiti juvenile court ang amo na nasa likod ng nasabing […]
-
StarStruck season 5 First Princess Diva Montelaba na-trauma nang ma-infect ng COVID-19
Kahit sa gitna ng COVID-19 pandemic, naglakas-loob ang host ng GMA infotainment show Ang Pinaka na si Rovilson Fernandez na bumiyahe sa US para makapiling ang kanyang pamilya ngayong Pasko. Lumipad siya patungong San Jose, California last December 5 dahil naging tradisyon na raw ng kanilang pamilya na magkakasama silang lahat tuwing Pasko. […]
-
Number coding scheme sa MM, nananatiling suspendido
NANANATILING suspendido ang number coding scheme sa Metro Manila. Ang katuwiran ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos Jr., nananatiling “manageable” ang trapiko sa metropolis . Ani Abalos, ang limiitadong transportation system na ipinatutupad ng Department of Transportation at ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) […]