2 pang quarantine facilities binuksan ni Yorme Isko
- Published on October 23, 2020
- by @peoplesbalita
MAY dalawa pang quarantine facilities ang binuksan, kahapon ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, bilang paghahanda sa posibleng 2nd wave ng COVID19 sa Maynila.
Ayon kay Moreno,kasama niya si Vice Mayor Honey Lacuna sa inagurasyon ng pinalawak na San Andres Sports Complex quarantine facility, na susundan pa ng pagbubukas ng katulad ding pasilidad sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) sa Huwebes, Oktubre 22. Ang dalawang quarantine facilities ay mayroong kabuuang 100 bed capacity.
Sinabi ni Moreno na magpa- pasalamat siya ng marami kung hindi na magagamit ang mga nasabing pasilidad, na ang ibig sabihin lamang ay ligtas na ang mamamayan ng lungsod sa coronavirus.
Sinabi ng alkalde na habang ang pamahalaan ay nagbibigay ng kaluwagan sa komunidad bilang paraan ng pagpapasigla sa ekonomiya at upang maibalik ang trabaho ng karamihan na nawalan ng kabuhayan bunga ng pandemya, sinabi ni Moreno na kailangang may kahandaan ang panig ng pamahalaang lokal sakaling magkaroon muli ng pagtaas sa kaso ng coronavirus na laging isang posibilidad.
Muling nagpaalala si Moreno na sa lahat ng mga taga-Maynila na ang nakamamatay na virus ay nanatiling nasa paligid, at bilang katibayan ay ang nangyari sa mga bansa sa Europe, Spain at Argentina kung saan ay nakakaranas ngayon ng second wave ng COVID-19.
“We do not want a second wave. In fact, how I wish na hindi magamit ang mga quarantine facilities natin but we have to be ready in case it happens and I hope everyone joins me in praying na hindi nga ito mangyari by keeping safety in mind,” ayon kay Moreno.
Kailangan umano na balansehin ang buhay at ang kabuhayan at habang binubuksan ng lungsod ang ekonomiya ng paunti-unti ay nanawagan si Moreno sa publiko na magbabalik trabaho na sumunod sa itinakdang na basic health protocols na 3W’s —wear your face mask, wash your hands at watch your distance. (Gene Adsuara)
-
US archbishop itinalaga ni Pope Francis bilang bagong papal nuncio sa PH
INANUNSIYO ngayon ng Vatican ang pagpili ni Pope Francis kay Archbishop Charles John Brown bilang kanyang bagong papal nuncio sa Pilipinas. Ang 60-anyos na American diplomat ay nagmula sa bansang Albania na nagsilbi bilang apostolic nuncio mula pa taong 2017. Papalitan ni Archbishop Brown si Archbishop Gabriele Caccia, na siya na ngayong Permanent […]
-
Labis na hinangaan sina Justin, Francine at EJ: ‘Nasa Iyo Ang Panalo’ ng Puregold, panalo sa puso ng mga Filipino netizens
NGAYONG 2022, minarkahan ng Puregold ang kanilang ika-25 na taon bilang isa sa nangunguna sa Philippine retail landscape. Upang gunitain ang makabuluhang okasyong ito, inilabas ng Puregold ang “Nasa Iyo ang Panalo” digital ad series sa iba’t-ibang social media platforms nito, kung saan nakakuha na ito ngayon ng higit 43.1 milyon online views. […]
-
Utang ng Pilipinas nakapagtala ng bagong record na umabot sa P12.6T
MAS lumawak pa ang utang ng gobyerno ng Pilipinas kung kaya ay nakapagtala na naman ito ng bagong record-high noong katapusan ng Marso. Ito ay sa gitna ng patuloy na pagsisikap na makahiram upang palakasin pa ang kaban ng estado para sa mga gagawing hakbang sa pagbawi ng COVID-19 kasama ng mas mahinang […]