• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Followers ni KRIS, umaasang mapapanood na nila sa isang talk show

BASE sa teaser na pinost ni Kris Aquino sa kanyang IG account at FB page nitong Miyerkoles ng gabi at binanggit niya ang PURE AT GOLD, posible kayang mapanood na siya sa isang talk show at ang Puregold ang producer niya?

 

“And there’s not much left of me, what you get is what you see…

“Is it worth the energy?

“I leave it up to you…” post ni Kris.

 

“I’ll give them the due courtesy to make the formal announcement, but starting early this November, I’m embarking on a project that a lot of you, my followers, have long been asking for… PURE ang intention nila na magbigay ng konting kaligayahan sa ilang piling mga linggo (meaning Sundays & not weekly) siguro nga dahil gusto nilang magpasalamat na sa gitna ng pandemic na pinagdadaanan ng buong mundo, they remain the GOLD standard for providing excellent value for money pagdating sa essential needs ng bawat pamilyang Pilipino.

 

“Maraming salamat sa kanila for thinking of this special project for me, and thank you because nangulit kayo sa mga social media accounts ko, nagsabing naghihintay lang kayo, na monitor nila, and that’s why this is happening.

 

“Plus ‘yung request ninyo na maging “ninang” Krisy mas madali ko nang magagawan ng paraan because I now have 2 unique brand partners, one for delivery, and another for all your supermarket needs. Very fulfilling because I’m overjoyed to be do- ing the job I love, and it gives me the chance to share my blessings when it really will make a difference. (The HINT sa brand is in my caption.) #lovelovelove.” Maraming followers si Kris na binati siya at binanggit nga na sana talk show ito dahil na-miss na nila ang Queen of Talk at ilan sa comments:

 

“I hope it’s talk show. Since you left talk show I never watch any Filipino talk show. Above all happy to see you full of life. I’m big fan of you because of your authenticity.”

 

“looking forward to a talk show from Ms. Kris, I have nothing against Magandang Buhay, because they have their own followers, but Ms.Kris doesn’t bore me, she is so entertaining, nobody gets the same charisma, that makes me glued to the show.

 

“@krisaquino, @isaram08 Charisma, intelligence, wit, honest and kind that’s what our idol possesses that no one could ever match. She’s THE ONLY ONE.”

 

“Same here since KCA left ABSCBN I found it a waste of time watching talk show that have 3 female hosts that are not as articulate as witty like Kris. The 3 hosts are boring so dull interviewer. Never again to watch that show. Looking forward to see Kris again on TV.”

 

“Congratulations Madam Kris! I hope I got it right. It’s a collaboration or partnership however we can call it with PUREGOLD.”

 

Abang-abang na lang next month kung saan mapapanood si Kris na base na rin sa pahayag nito. (REGGEE BONOAN)

Other News
  • Pacquiao sinimulan na ang ensayo para sa laban kay Spence

    Sinimulan na ni Filipino boxing champion Manny Pacquiao ang kaniyang pag-eensayo para sa WBC-IBF welterweight fight niya kay Errol Spence Jr.     Sa kaniyang social media, ibinahagi ng fighting senator ang kaniyang ginagawang ensayo sa Forbes Park mansion.     Inaasahan na sa susunod na mga linggo ay makakasama na niya ang kaibigan at […]

  • Pinsala sa agrikultura dahil kay Goring, umakyat sa P504.4M

    UMAKYAT na sa mahigit kalahating milyong piso ang pinsala at pagkalugi ng agriculture sector  kasunod ng matinding pananalasa ng bagyong Goring.     Base sa pinakabagong bulletin na ipinalabas ng Department of Agriculture (DA) Disaster Risk Reduction and Management Operations Center, ang pinsala sa farm sector dahil sa bagyo ay umabot sa halagang P504.4 million. […]

  • Krizziah Tabora-Macatula 9th place sa 16th Asian Tenpin Championship

    TANGING ang World Cup champion na si Krizziah Tabora-Macatula ang pinakamahusay na Pilipino sa ginaganap na 16th Asian Tenpin Bowling Championships sa Hong Kong matapos walang nakarating sa podium.   Si Tabora-Macatula, ang 2017 World Cup champion, ay tumapos sa pang-siyam na pwesto na may 1,401 pinfalls sa women’s singles events.   Nagkasya lang si […]