• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 SOUTH KOREANS, INARESTO SA TELECOMMUNICATIONS FRAUD

NAARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang South Koreans na wanted ng awtoridad sa kanilang bansa  sa panloloko sa kanilang mga kababayan  ng malaking halaga sa pamagitan ng telecommunications fraud.

 

 

 

Kinilala ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang suspek na si Han Juyoung at Kim Sihun, kapwa 26-anyos na inaresto sa Taguig City ng mga element ng BI’s fugitive search unit (FSU).

 

 

 

Ayon pa kay Morente, sina Han at Kim ay agarang pauuwin sa South Korea para sa kanilang  summary deportation order na inisyu ng BI board of commissioners noon pang nakaraang taon.

 

 

 

“As a result of the deportation order, their names are placed in our immigration blacklist, thus they are perpetually barred from re-entering the Philippines for being undesirable aliens,” ayon kay Morente.

 

 

 

Ayon naman kay BI-FSU acting chief Rendel Ryan Sy, sina Han at  Kim ay kasama sa red notices na inisyu ng Interpol sa lahat ng enforcement agencies.

 

 

 

Sinabi ni Sy na ang dalawa ay wanted sa panloloko sa kanilang mga biktima ng  mahigit sa 29 million won, o  US$25,000, sa pamagitan ng voice phishing operations kung saan nagpapakilala silang ahente ng isang financial institution na nag-aalok ng pagbabayad ng mababang patubo  sa mga uutang.

 

 

 

Bukod pa dito, ang dalawa ay mga undocumented aliens na dahil kinasela na ng South Korean government ang kanilang pasaporte. GENE ADSUARA

Other News
  • Mga magulang pinayuhan ng AFP at PNP na gabayan ang mga anak sa online class vs NPA recruitment

    KAPWA aminado ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na may posibilidad na malantad ang mga online learner sa ginagawang recruitment ng New People’s Army (NPA) para sumapi sa kanilang grupo.   Sinabi nina AFP chief of staff, Gen. Gilbert Gapay at PNP chief Gen. Camilo Pancratius Cascolan na bagaman […]

  • Handa kung sakaling magkita sila… CARLA, nag-react sa pag-amin ni TOM na may dini-date na

    NAGBIGAY ng reaksyon si Carla Abellana sa pag-amin ng ex-husband niyang si Tom Rodriguez na may dine-date na raw ito.     “I don’t see the need to comment or even react. Parang it’s not any of my concern anymore, parang gano’n,” diin pa ni Carla na handa rin kung sakaling aksidente silang magkita ni […]

  • Mekaniko kalaboso sa 3 nakaw na motorsiklo

    KULONG ang isang mekaniko matapos makumpiska sa kanya ang tatlong nakaw na motorsiklo sa isinagawang Simultaneous Enhanced Managing Police Operation (SEMPO) ng pulisya sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.   Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director P/ Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang naarestong suspek na si Neilmar Sinepete, 24 ng Phase 7-B, Block 1, […]