• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 SPORTS COMPLEX SA METRO MANILA, ISASARA

PANSAMATALANG  isasara ang dalawang sport complex sa Metro Manila, ayon sa Philippine Sports Commission.

Ayon sa kanilang facebook page, sinabi ng Philippine Sports Commission na ang Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila at PHILSPORTS Complex sa Pasig City  ay sasailalim sa complete lockdown simula ngayong Agosto 12.

Ayon sa PSC, ito bahagi ng kanilang health security protocol  matapos magpositibo sa RT-PCR testing para sa COVID-19 ang isa nilang staff.

Hiniling naman ni PSC Chairman William Ramirez ang pang-unawa ng publiko .

Maglalabas na lamang  ng abiso  kung kelan muli bubuksan ang dalawang complex. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Baril, bala, granada nasabat ng CIDG sa apartment ng naarestong drug suspect

    NAKAKUMPISKA pa ang pulisya ng baril, bala at granada sa inuupahang apartment ng isa sa dalawang lalaking unang nahuli sa pagbebenta ng hindi lisensiyadong baril at pag-iingat nang mahigit P1 milyong halaga ng shabu at marijuana, Martes ng hapon sa Caloocan City.     Sa follow-up operation ng mga tauhan ni P/Lt. Col. Jynleo Bautista, […]

  • Kababaihan sa Afghanistan nagprotesta para mabuksan na ang mga paaralan

    NAGSAGAWA ng kilos protesta ang ilang kababaihan sa harap ng Ministry of Education sa Afghanistan.     Nananawagan ang mga ito sa muling pagbubukas ng secondary schools para sa mga kababaihan.     Umani kasi ng batikos ang biglang pagbawi ng Taliban sa muling pagbubukas ng mga paaralan para sa mga kababaihan.     Sinabi […]

  • Stevedore binaril sa ulo ng 2 lalaki, patay

    DEDBOL ang isang 22-anyos na stevedore matapos barilin ng dalawang lalaki nangingikil at nambabanta sa mga trabahador sa Market 1 nang tumanggi umanong magbigay ng isda ang biktima sa mga suspek sa Navotas Fish Port Complex (NFPC), Navotas city.   Ayon kay Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas, dead- on-the-spot si Roel Batiancila ng BGA […]