• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 suspek sa pagpatay sa 2 bata sa Bulacan, timbog sa Maynila

Naaresto na ng mga otoridad ang isang mister at menor-de-edad niyang anak-anakan na sinasabing responsable sa pagpatay sa dalawang bata sa masukal at bulubunduking bahagi ng siyudad na ito sa Bulacan noong Miyerkules.

 

 

Nakilala ang pa­ngunahing suspek na si Romeo Ruzon, 41, gumagawa ng walis at ang kanyang 17-anyos na stepson, kapwa residente ng Brgy. Gumaoc East.

 

 

Ang dalawa ang itinuturong suspek sa pagpatay sa mga paslit na sina Lou Anderson Icalia, 8, residente ng Gumaoc East at Jenny De Vera,11, ng Gumaoc West.

 

 

Ayon sa pulisya, kumpirmadong ginahasa ang batang si Jenny base sa inilabas na medico legal report ng PNP Crime Laboratory.

 

 

Lumalabas sa imbestigasyon na kahoy at bato ang ipinamalo sa ulo ng dalawang biktima na kanilang ikinamatay.

 

 

Narekober ng mga pulis ang isang kahoy at bato na may bahid ng dugo sa pinangyarihan ng krimen.

 

 

Isang goma rin ang natagpuan sa crime scene na kahalintulad ng materyales sa paggawa ng walis ng suspek na si Ruzon.

 

 

Noong Miyerkules ng gabi, Mayo 12 tumakas si Ruzon nang makatunog na magsisiyasat ang mga awtoridad sa kanyang bahay. Sa tulong ng live-in partner ni Ruzon na si Romina Canlas at kapatid niyang si Rafael (Ruzon), natunton ng mga ope­ratiba ng SJDM Police ang pinagtataguan ni Romeo sa Sampaloc, Manila at nadakip.

 

 

Umamin umano ang suspek sa kanyang nagawang karumal-dumal na krimen nang komprontahin mismo ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar na personal na kinausap ang suspek sa kanyang selda sa SJDM Police.

 

 

Matatandaang natagpuan ang dalawang bangkay ng bata na ang isa ay hiinihinalang ginahasa bandang alas-11:40 ng umaga noong Mayo 12 sa bulubundu­king lugar sakop ng Brgy. Graveville ng nasabing lungsod.

Other News
  • Teves kinasuhan na ng multiple murder

    SINAMPAHAN na kahapon ng kasong murder sa Department of Justice (DOJ) si suspended Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves, Jr. kaugnay ng pagiging utak umano sa pagpaslang kay Governor Roel Degamo at siyam na iba pa. Bago mag-alas-11 ng umaga nang dumating sa DOJ ang mga opisyal at tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa […]

  • Teves, hari-harian sa Negros Oriental – Mayor Degamo

    INILAHAD  ni Pamplona Mayor Janice Degamo ang ginagawang paghahari-harian ni suspended Cong. Arnolfo Teves Jr., at kanyang mga kaanak sa kanilang lalawigan sa Negros Oriental.     Sa pagdinig ng Senado patungkol sa pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo, direktang itinuturo ni Mayor Degamo si Teves na may kinalaman sa mga nangyayaring patayan sa […]

  • PBBM, pinuri ang Philippine Embassy sa Kuwait, DMW para sa walang humpay na paghahabol at makamit ang katarungan para kay Jullebee Ranara

    PINURI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.  ang  Philippine Embassy sa Kuwait, ang  Department of Migrant Workers (DMW), at ang mga Kuwaiti authorities para sa walang humpay na paghahabol at makamit ang hustisya para sa pinatay na OFW na si Jullebee Ranara matapos hatulan ng guilty ng Kuwaiti juvenile court ang amo na nasa likod ng nasabing […]