• April 24, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 tulak nasakote sa Caloocan buy-bust

MAHIGIT sa P.8 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang tulak ng ilegal na droga na nadakma sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

 

Ayon kay Caloocan police deputy chief for administration P/Lt. Col. Ilustre Mendoza, alas- 9 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcemen Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo at Tala Police Sub-Station 14 sa pangunguna ni P/Maj. Norbert Holman kontra kay Usodan Sultan, 31, (watchlisted- pusher) ng Riverside Phase 12, Tala sa Kaagapay Road, Brgy. 188 Tala. Kaagad sinunggaban ng mga operatiba si Sultan matapos bentahan ng P34,000 halaga ng shabu si PCpl Jake Rosima na umaktong poseur-buyer. Nakumpiska sa suspek ang aabot sa 100 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P680,000.00 ang halaga, isang tunay P1,000 bill na nakabungkos sa 33 piraso fake P1,000 bills na ginamit bilang buy-bust money. Nauna rito, alas-7:25 ng gabi nang matimbog din ng mga operatiba ng SDEU sa buy-bust operation sa Kaagapay Road din ang watchlisted-pusher na si Jeric Torres, 43 matapos bentahan ng P7,500 halaga ng shabu si PCpl Marben Wandag na umaktong poseur-buyer. Narekober kay Torres ang aabot sa 25 gramo ng shabu na tinatayang nasa P170,00 ang halaga at P7,500 boodle/buy- bust money. Kasong paglabag sa Comprehen- sive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng mga naarestong suspek. (Richard Mesa)

Other News
  • Toktok rider, 1 pa nadamba sa buy bust sa Valenzuela

    SWAK sa kulungan ang dalawang hinihinalang tulak ng iligal na droga kabilang ang isang Toktok deliver rider matapos matimbog sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela city.     Ayon kay PSSg Ana Liza Antonio, dakong alas-5:45 ng umaga nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) […]

  • Ayos lang iyan Sotto!

    ANG sakit naman nang nangyari kay National Basketball Association prospect Kai Zachary Sotto nang hindi na tanggaping bumalik at makapaglaro para sa Team Ignite na kumakampanya sa kasagsagang 20th NBA G League 2021 sa Estados Unidos ng Amerika dahil sa Coronavirus Disease 2019.     “Kai and the team both understood the challenges for him […]

  • PNP chief sinibak sa pwesto ang QCPD Station 3 commander dahil sa command responsibility

    Sinibak sa pwesto ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar ang commander ng QCPD Station 3 commander na si Lt Col. Christine Tabdi dahil sa Command Responsibility kaugnay ng pagdu-duty ng ilang tauhan nito sa State of the Nation Address ng Pangulong Duterte nuong Lunes, habang naghihintay ng kanilang RT/PCR test.     Ayon kay PNP […]