2 TULAK TIMBOG SA HIGIT P.6M SHABU
- Published on July 30, 2020
- by @peoplesbalita
MAHIGIT sa P.6 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang tulak umano ng illegal na droga na naaresto sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan at Valenzuela cities.
Ayon kay Caloocan police chief Col. Dario Menor, alas-12:50 ng Miyerkules ng madaling araw nang maaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo sa buy-bust operation sa kanyang bahay sa 419 Barrio Sta Rita North, Brgy. 188, Tala, Caloocan si Jomel Pineda alyas Kuya, 42, tricycle driver.
Narekober sa suspek ang aabot sa 15 gramo ng hinihinalang shabu na nasa P102, 000 ang halaga, digital weighing scale, at P500 buy bust money.
Nauna rito, natimbog din ng mga operatiba ng Valenzuela Police SDEU sa pangunguna ni PLT Ronald Sanchez sa ilalim ng pangangasiwa ni Col. Fernando Ortiga si Ryan Catayna, 37 ng 7051 Avocado St. Comembo Makati City sa buy-bust operation sa Elysian St. Brgy. Marulas, Valenzuela city.
Ayon kay SDEU investigator PSSg Ana Liza Antonio, binentahan ng suspek ng isang pack ng shabu na nagkakahalaga sa P16,000 si PCpl Dario Dehitta na nagpanggap na poseur-buyer kaya’t agad itong inaresto ni PSSg Gerry Dacquil.
Nakuha sa suspek ang aabot 75 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P510,000 ang halaga, P1000 na nakabugkos sa 15 piraso ng P1000 boodle money, 27 piraso ng P100, cellphone, digital weighing scale at kulay itim na motorsiklo (NI 1560). (Richard Mesa)
-
ICC, walang hurisdiksyon sa Pinas; hindi makikipagtulungan sa imbestigasyon sa war on drugs ng nakalipas na administrasyon- PBBM
MULING iginiit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na walang hurisdiksyon ang International Criminal Court (ICC) sa Pilipinas at hndi rin makikipagtulungan ang kanyang gobyerno sa imbestigasyon ng ICC sa “war on drugs” ng nakalipas na administrasyon. Hiningan kasi ng paglilinaw ang Pangulo sa napaulat na nasa Pilipinas ang mga kinatawan ng ICC […]
-
NBA TARGET ANG MULING PAGBABALIK SA DEC. 22
UNTI-UNTI nang inilalatag ng NBA ang pagsisimula ng kanilang 2020-2021 season sa pamamagitan nang pagbubukas sa Dec. 22 ng taong kasalukuyan. Ang naturang impormasyon ay ipinaabot na rin ng liga sa mga Board of Governors. Sinasabing magkakaroon ng 72-games kung saan mauuna ang mga laro, tatlong araw bago ang kapaskuan. Gayunman kailangan […]
-
Dahil sa kinagigiliwan na ‘Ang Lalaki sa Likod ng Profile’: WILBERT, ibi-build up na rom-com actor kaya bawal nang magpa-sexy
NAGNINGNING ang mga bituin sa katatapos na Tindahan ni Aling Puring Sari-sari Store Negosyo Convention, ang taunang selebrasyon ng Puregold ng maliliit mga may-ari ng negosyo sa buong bansa. Kabilang sa maraming mga kapana-panabik na kaganapan na nakahanay ay ang opisyal na press conference para sa “Ang Lalaki sa Likod ng Profile,” na […]