2 wanted person nalambat sa Valenzuela
- Published on February 8, 2022
- by @peoplesbalita
DALAWANG wanted person ang natimbog ng mga awtoridad sa bisa ng warrant of arrest sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City.
Dakong alas-5:55 ng gabi nang maaresto ng mga tauhan ng Valenzuela Police Sub-Station 6 sa pangunguna ni (SS6) commander PLT Armando Delima at deputy chief SS6 PLT MAuel Cristobal, kasama sina PSMS Roberto Santillan, Pat Michael Cedric Patas at B/T Joven Dela Cruz sa ilalim ng matatag na pamumuno ni P/Col. Ramchrisen Haveria Jr, ang akusadong si Rene John Ongkiko, 38 ng 351 I. Marcelo St., Lingahan, Brgy. Malanday.
Isinilbi ni PSMS Santillan sa akusado ang warrant of arrest na inisyu noong June 20, 2019 ni Hon. Nancy Rivas-Palmores, Presiding Judge ng RTC Branch 172, Valenzuela City para sa kasong Child Abuse under Sec. 10 (a) of RA 7610 sa Malanday 3S, M.H. Del Pilar.
Nauna rito, nakumbinsi ng pulisya at ni Efren Santiago, Kapitan ng Brgy. Malanday ang akusado na kusang loob na sumuko sa mga awtoridad.
Samantala, nasakote naman sa joint operation ng pinagsamang mga operatiba ng Valenzuela Police Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pamumuno PLT Robin Santos at SS7 commander PMAJ Lawrence Tubongbanua sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Haveria si Bernito Padilla, 23, sa Gulod St., Brgy., Bignay matapos ang halos dalawang buwan pagtatago.
Si Padilla ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong December 6, 2021 ni Judge Maria Nena Santos ng RTC Branch 171, Valenzuela City para kasong Attempted Rape at may i-nirekomenda ang korte na P200,000 na piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Ani PLt. Santos, ang matagumpay na pagkakaaresto sa akusado ay resulta ng intensive monitoring ng mga intelligence operatives at mga sibilyan na nagbigay ng karagdagang impormasyon. (Richard Mesa)
-
Anak ni DOJ Sec. Remulla nasa kustodiya ng PDEA matapos pormal na sampahan ng kaso
NASAMPAHAN na ng kaukulang kaso ang panganay na anak ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla na si Juanito Jose Diaz Remulla III. Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) spokesperson Dir. Derrick Carreon, nakasuhan na si Remulla ng paglabag sa Section 4 o importation of dangerous drugs sa ilalim […]
-
Ads March 22, 2021
-
Jesciel Salceda: PRRD agenda, panalo sa naudlot na PCL eleksiyon
DEKLARADONG “failed election” ang halalan ng Philippine Councilors League (PCL) sa SMX Convention Center, Pasay City noong ika-27 ng Pebrero at muli itong itinakdang ganapin sa loob ng dalawang buwan, ngunit ayon kay Polangui, Albay Councilor at PCLBicol Regional Chairman Jesciel Richard Salceda, ang pagkaudlot nito ay masigabong panalo para sa ‘reform agenda’ ni Pangulong […]