• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 wanted person sa Malabon, binitbit sa selda

DALAWANG wanted person sa frustrated murder at theft ang nalambat sa isinagawang magkahiwalay na joint operation ng pulisya sa Malabon city.

 

 

Sa report PSMS Alddrich Reagan De Leon kay Malabon police chief Col. Albert Barot, dakong alas-9 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pangunguna ni PSMS Joey Sia ng joint operation, kasama ang SIS, 4th MFC at RMFB-NCRPO sa pangunguna ni PCPT Ronilo Aquino sa 1st St., Brgy. Tañong na nagresulta sa pagkakaaresto kay John Denmark Labain, 27.

 

 

Ayon kay PCMS Gilbert Bansil, inaresto si Labain sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Frustrated Murder na inisyu noong July 6, 2021 ni Hon. Misael Modelo Lagada, Presiding Judge RTC Branch 292, Malabon City.

 

 

Sa hiwalay na operation, naaresto din ng mga operatiba ng WSS sa pangunguna ni PSMS Armando Isidro Jr, si Eduardo De Leon, 42, malapit sa kanyang bahay sa Valdez St., Brgy. Catmon dakong alas-9:15 ng gabi.

 

 

Si De Leon ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Theft na inisyu noong July 9, 2021 ni Hon. Maya Joy Panaga Guiyab-Camposanto, Presiding Judge, MTC, Branch 120 Malabon City. (Richard Mesa)

Other News
  • Ads May 25, 2022

  • Ads May 17, 2021

  • PBBM, pinalakas ang partnership sa World Food Programe para labanan ang malnutrisyon sa Pinas

    MAS PINALAKAS pa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang partnership ng Pilipinas at World Food Programme (WFP) bilang bahagi ng pagsisikap ng administrasyon na labanan ang malnutrisyon at pagkagutom sa Pilipinas.     Sa naging talumpati ng Pangulo, sinabi nito na palaging bukas ang pamahalaan na magpartisipa sa anumang pagsisikap ng WFP na makatulong […]