2 wanted persons, timbog sa Valenzuela
- Published on December 2, 2022
- by @peoplesbalita
DALAWANG lalaki na listed bilang most wanted persons ang nalambat ng pulisya sa magkahiwalay na manhunt operation in relation to SAFE NCRPO sa Valenzuela City.
Ayon kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., kumuha ng National Police Clearance si Ralph Joseph Alejandrino, 35 ng Brgy., Balangkas sa Valenzuela City Police Station sa Mc-Arthur Highway, Brgy. Karuhatan subalit, nang i-verify ay nadiskubreng mayroon siyang nakabinbing warrant of arrest.
Alinsunod aniya sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, isinilbi ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Valenzuela police sa pangunguna ni PLt Ronald Bautista, kasama ang 5th MFC, RMFB, NCRPO isang warrant of arrest na nagresulta sa pagkakaaresto kay Alejandrino alas-11:30 ng umaga.
Ani PLt Bautista, si Alejandrino ay inaresto nila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Paulino Quitoras Gallegos ng Regional Trial Court (RTC) Branch 47, Manila City para sa paglabag sa National Internal Revenue Code of 1997 as amended by R.A. 8424 (6 counts).
Dakong alas-2:30 naman ng hapon nang maaresto din ng kabilang team ng WSS at ang mga tauhan ng 5th MFC, RMFB, NCRPO sa manhunt operation sa A. Pablo St., Barangay Karuhatan ang isa pang most wanted na kinilala bilang si Farjohn Paterno, 23 ng Brgy. Ugong.
Si Paterno ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Oven Kuan Ontalan ng Regional Trial Court (RTC) Branch 285, Valenzuela City para sa paglabag sa Section 11 (Illegal Possession of Dangerous Drugs) of Art. II of R.A. 9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) Acting District Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones Jr ang Valenzuela police sa pamumuno ni Col. Destura dahil sa masigasig na kampanya nito kontra wanted persons. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
-
Martes athletics coach na
HINDI na nalalayong maging full-time track and field o running coach sa hinaharap si women’s marathon queen Christabel Abenoja Martes ng Baguio City. Napabilang ang 7th Pattaya Asian Marathon Championships 2000 sil- ver medalist sa 12 pumasa buhat sa 24 na lumahok sa makasaysayang 14 na araw na World Athletics (WA) Coaches Education Learning […]
-
Ads October 25, 2024
-
Chinese National na nanampal sa traffic enforcer , kulong ng BI
INARESTO ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Chinese national na nag-viral sa social media matapos na sampalin nito ang isang miyembro ng Manila traffic enforcer na umaresto dahil sa traffic violation. Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, si Zhou Zhiyi, 50 ay kasalukuyang nakakulong sa Bicutan, Taguig City matapos siyang arestuhin […]