20-anyos na wanted sa sexual offenses, nabitag sa Valenzuela
- Published on December 21, 2024
- by @peoplesbalita
TIMBOG ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD), sa pamamagitan ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa manhunt operation ang isang kelot na wanted sa kasong sexual offenses sa Valenzuela City.
Ayon kay NPD Acting Director P/Col. Josefino Ligan, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng DDEU hinggil sa kinaroroonan ng 20-anyos na akusado na kabilang sa mga Most Wanted Person ng lungsod.
Agad bumuo ng team si P/Capt. Regie Pobadora, hepe ng DDEU saka ikinasa ang manhunt operation na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado dakong alas-4:40 ng hapon sa Northville 1, Barangay Bignay.
Ani Capt. Pobadora, ang akusado ay dinakip nila sa bisa ng warrants of arrest were na inisyu ni Presiding Judge Mateo B. Altarejos ng RTC Branch 172, Valenzuela City, noong December 12, 2024, para sa kasong Acts of Lasciviousness under Article 336 of the Revised Penal Code (RPC) in relation to Section 5(B) of R.A. No. 7610, and Sexual Assault under Article 266-A(2) of the RPC in relation to Section 5(B) of R.A. No. 7610.
Pinuri naman ni Col. Ligan ang dedikasyong pagsisikap ng mga opisyal ng DDEU na sangkot sa operasyon kung saan binigyang-diin niya na ang pagtutulungan at propesyonalismo ay nananatiling pundasyon ng misyon ng NPD na maghatid ng hustisya at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa CAMANAVA area.
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng NPD-DDEU habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte para sa paglilipat sa kanya sa City Jail. (Richard Mesa)
-
Higit 18,000 pulis ikakalat sa Undas
AABOT sa mahigit 18,000 pulis ang ipakakalat ng Philippine National Police (PNP) upang masiguro ang kaligtasan sa mga transport terminals, lansangan at sementeryo ngayong Undas. Ayon kay PNP spokesperson PBrig. Gen. Jean Fajardo, nakahanda na ang plano at sistema ng PNP sa Undas kabilang ang inaasahang pagdagsa ng mga dadalaw sa sementeryo. “Kasama […]
-
DepEd: Class disruptions dahil sa bagyo, 35 na
NAGPATAWAG ng pulong si Education Secretary Sonny Angara, kasama ang National Management Committee (ManComm) upang humanap ng mga pamamaraan para masolusyunan ang learning losses sa mga paaralan dahil sa mga kanselasyon ng klase dahil sa mga bagyo. Sa datos ng DepEd, para sa kasalukuyang school year, nakapagtala na ang Cordillera Administrative Region (CAR) ng […]
-
First four official entries ng MMFF 2022, inilabas na: VICE at COCO, muling magtatapat sa takilya at lalaban din si IAN at TONI
SA Christmas season, tiyak na ‘Balik Saya’ na naman ang 48th Metro Manila Film Festival (MMFF) na kung saan inilabas na ang first 4 official entries. Kinabibilangan ng first 4 MMFF 2022 official entries na base sa script submission: 1. LABYU WITH AN ACCENT (ABS-CBN Productions, Inc) Director: Rodel P. Nacianceno, Writer: […]