• April 24, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

20 BAGONG PATROL CAR, BIGAY NI ISKO SA MPD

IPINAGKALOOB kahapon ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso  sa Manila Police District(MPD),ang 20 bagong patrol car para magamit sa pagbibigay ng serbisyo publiko.

Ang mga bagong patrol cars na binubuo ng 20 Toyota Vios  ay kaloob ng  Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) sa isang turn over ceremony sa Kartilya ng Katipunan, Bonifacio Shrine.

Malugod naman na tinanggap ng alkalde kasama sina Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan, MPD chief Rolando Miranda at National Capital Region Police Office (NCRPO) Debold Sinas.

Sinabi ni Moreno na sa pamamagitan ng mga bagong sasakyan ay mag-i-improve ang police visibility at magiging mas mabilis ang aksyon sa kriminalidad sa lungsod.

Ipamamahagi sa 11 police stations ang mga bagong mobile car.

Bukod sa 20 Toyota Vios units,sinabi ni Moreno  na tatanggap din ang  MPD ng anim na  tactical vehicles para sa Special Weapons and Tactics (SWAT) mula pa rin sa  FFCCCII.

Ang mga opisyal ng FFCCCII na nakibahagi sa ginanap na turnover ceremony ay sina  Dr. Henry Lim Bon Liong, vice presidents Dr. Cecile De Pedro at Victor Lim, honorary president Robin Sy, secretary general Dr. Fernando Gan at board member Nelson Guevarra.  (GENE ADSUARA)

Other News
  • Minimum wage hikes sa Calabarzon at Davao region aprubado na rin – DOLE

    INAPRUBAHAN  na rin ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang daily minimum wage sa mga manggagawa sa Region IV-A.     Ayon sa report ni Exequiel Ronnie Guzman, regional director ng Department of Labor and Employment (DOLE IV-A) may dagdag na P47 hanggang P97 ang matatanggap sa mga daily minimum wage earners.   […]

  • NADINE, hinahanapan na ng magandang projects na ipi-present ng Viva; open din na magpartner sila ni JAMES

    NAG-UUSAPAN na uli si Nadine Lustre at ang Viva Entertainment.     Ito ang ipinahayag ni Vincent del Rosario sa presscon ng Vivamax, ang streaming platform ng Viva which marked its sixth month.     Ayon pa kay Vincent, nakatakda raw silang makipag-usap kay Nadine para mag-present ng projects sa dalaga.     Si Boss […]

  • PRC, aminadong hindi madali ang pagsasagawa ng licensure examination sa gitna ng pandemya

    TINATAYANG umabot na sa 62 mula sa 101 scheduled licensure examinations ang naisagawa ng Professional Regulation Commission (PRC) noong 2021 kumpara noong 2020 na nasa 11 mula sa 85 examinations lamang.     Sa Laging Handa briefing, inamin ni PRC Chairperson Teofilo Pilando, Jr., na hindi naging madali ang pagsasagawa ng mga examinations sa nakalipas […]