• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

20-M mga Pinoy, walang kakayahang magpakabit ng internet – study

AABOT  sa 20 milyong mga Pilipino ang nagsabing wala silang kakayahang mag-avail ng internet nang kahit 1 gigabyte lamang kada buwan.

 

 

Ito ang resulta ng isang pag-aaral na isinagawa ng World Data Lab on the Internet Poverty Index kung saan sumampa sa pang-16 na puwesto ang Pilipinas sa 166 na mga bansa na mayroong pinakamataas na bilang ng mga “internet poor” residents.

 

 

Bukod dito ay ipinakita rin sa naturang pag-aaral na ang mga internet users sa bansa ay nagbabayad ng hindi bababa sa P650 kada buwan para sa internet connectivity — mas mababa sa P1,400 rate na naitatala sa US.

 

 

Samantala, sa ngayon ay wala pa ring nagiging tugon ang Department of Information and Communication Technology ukol dito ngunit kung maaalala, noong 2018, kinontrata ng DICT ang ilang internet service providers para magbigay ng libreng internet connection sa 11,000 sites sa bansa.

Other News
  • SC ibinasura ang DQ vs Marcos sa botong 13-0

    IBINASURA ng Supreme Court ang mga petisyon na kumukuwestiyon sa kandidatura ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. na hudyat ng malayang oath-taking niya bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas.     Sa botong 13-0, ibinasura ng SC en banc ang petisyon kontra sa kautusan ng Commission on Elections (Comelec) na ibasura ang petisyon sa Certificate of Candidacy […]

  • Jones Jr. target si MMA star Silva; kapag tinalo si Tyson

    Sakaling malusutan si dating undisputed heavyweight champion Mike Tyson, inamin ni Roy Jones na target nitong makasagupa si Mixed Martial Arts legend Anderson Silva.   Ayon kay Jones, bago pa man nitong isiwalat na lalabanan si Tyson sa isang exhibition match sa Setyembre, marami na umano itong natatanggap na offer para labanan si Silva.   […]

  • Slaughter, Aguilar medya pa lang ang pag-eensayo

    NAG-BONDING na uli sa hardcourt ang ‘kambal na tore’ ng Barangay Ginebra San Miguel na sina Gregory William ‘Greg’ Slaughter at Japeth Paul Aguilar, ayon sa isang social media account post ng huli nito lang isang araw.     Sa Instagram story ni Slaughter, 32, isang maikling clip na kinuhanan sa isang gym sa Pasig […]