20 milyong Gen Z voters, inaasahan sa 2025 elections
- Published on October 8, 2024
- by @peoplesbalita
AABOT sa mahigit 20 milyong botante, na kabilang sa tinaguriang Generation Z, ang inaasahang lalahok at boboto para sa nalalapit na May 2025 National and Local Elections (NLE).
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, kung ang pagbabasehan ay ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), aabot sa 24 milyon ang mga botanteng kabilang sa naturang henerasyon, kasama na ang mga edad 15-17 years old.
Aniya, “More or less, nag-e-expect tayo ng mga hanggang 20 million members of Gen Z na mga kabataan.”
Ang Generation Z (Gen Z), o yaong mga indibidwal na ipinanganak sa pagitan ng mga taong 1997 at 2012.
Kaugnay nito, nanindigan din naman si Garcia na mahalaga ang boto ng kabataan sa mga halalan.
Aniya pa, “Yung votes nila will matter. Ganyan kahalaga ang boto nila sapagkat sila ang magdidikta ng kinabukasan ng ating bayan.”
Sa datos ng Comelec, aabot sa 65 milyon ang botante para sa midterm polls.
-
LTFRB: Libreng sakay babalik
TINITINGNAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang posibleng pagbabalik ng programa sa libreng sakay para sa EDSA carousel sa darating na ikalawang quarter ng taon. “The government has allotted funding for the librengsakay program but has yet to download the amount to the agency,” wikani LTFRB technical division head Joel […]
-
Ex-NBA All-Star Eddie Johnson, pumanaw na sa loob ng kulungan
PUMANAW sa loob ng kulungan ang dating NBA- All Star player na si Eddie Johnson sa edad 65. Hinatulang kasi habambuhay si Johson noong 2006 dahil sa pang-aabuso sa isang 8-anyos na batang babae. Hindi naman ibinunyag ng mga prison offiicials ang sanhi ng kamatayan nito. May palayaw siya na “Fast Eddie” […]
-
Basketball hoop ni Kobe naibenta sa auction ng mahigit P1.8-M
Naibenta sa halagang $37,200 o mahigit (P1.8 million) ang basketball hoop ni Kobe Bryant na ginamit niya noong bata pa ito. Ayon sa Heritage auction, na ang nasabing basketball board at ring ay dating nakalagay sa garahe ng Los Angeles Lakers star sa kanilang bahay sa Pennsylvania. Ang nasabing basketball hoop […]