20% NG POPULASYON NG PINAS, MABABAKUNAHAN -DOST
- Published on October 10, 2020
- by @peoplesbalita
SINIGURO ng Department of Science and Technology (DOST) na 20% ng populasyon ng Pilipinas ang mababakunahan kontra COVID-19 sa pamamagitan ng COVAX Facility.
Ayon kay DOST-Research and Development Executive Director Jayme Montoya na 3% ng bakuna ay ilalaan sa mga health workers at ang 17% ay para sa mga high risk group gaya ng mga matatanda at may sakit.
“Earliest na magkakaroon ng supply ng bakuna is sometimes second quarter of next year,”ayon kay Montoya.
Kaugnay nito, sinabi ni Montoya na may tatlong vaccine developers ang nagsumite na ng aplikasyon para makapagsagawa ng Phase 3 clinical trial sa Pilipinas.
Kabilang na umano dito ang Gamal˜eya Research Institute na gumawa sa Sputnik 5, Jansen Pharmaceuticals Company of Johnson & Johnson at ang Sinovac.
Kaugnay nito, sinabi ni World Health Organization WPR COVID19 Incident Manager Dr.Socorro Escalante,ang COVAX Faciliry ang kauna unahang magkakaroon ng may 2 bilyon doses ng COVID19 bago matapos ang 2021. (Gene Adsuara)
-
Cha-cha aprub na sa Kamara
LUSOT na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panawagang pag-amyenda sa 1987 Constitution o Charter change. Sa botong 301 pabor, anim kontra at isang abstention ay ganap na naipasa ang Resolution of Both Houses (RBH) 6 na nanawagan ng reporma sa ekonomiya sa pamamagitan ng Constitutional convention (Con-con) bilang paraan ng […]
-
DINGDONG at MARIAN, naging tahimik lang sa halos dalawang linggong pakikipaglaban sa COVID-19
TALAGANG nanahimik lang ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa loob ng halos dalawang linggo na sila pala ay tinamaan din at nag-positibo sa COVID-19. Tila buong household nina Dingdong at Marian ang nag-positive. Pero nang makausap namin si Dingdong at kamustahin, lalo na ang dalawang anak nila na sina Zia at […]
-
Third-party POGO auditor, nakasunod sa lahat ng bidding requirements – PAGCOR
WALA raw nakikita ang Philippine Amusement and Gaming Corporation chairman at Chief Executive Officer Alejandro Tengco na iregularidad sa kontrata ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Global ComRCI sa ating bansa. Sinabi ng third-party auditor na nakakuha sa multi-billion peso contract para sa assessment ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na […]