20 pamilya, nawalan ng tirahan sa sunog sa Taguig
- Published on February 19, 2020
- by @peoplesbalita
Aabot sa 20 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na tumama sa isang residential area sa Taguig City kahapon, Martes.
Pasado alas-7:30 ng umaga nang sumiklab umano ang sunog sa may Lawton Avenue sa Barangay Fort Bonifacio, kung saan natupok ang 10 bahay at nag-iwan ng P150,000 halaga ng pinsala sa ari-arian, ayon sa Taguig City Fire Station.
Halos isang oras ang inabot bago tuluyang naapula ang apoy.
Nagmula ang sunog sa bahay ng isang George Peling at hinihinalang may kinalaman sa kuryente ang sanhi nito, ayon kay Fire Senior Insp. Demetrio Sablan Jr. ng Taguig City Fire Station.
-
500 Valenzuelanos nakatanggap ng tulong medical mula sa DSWD
UMABOT sa 500 kwalipikadong Valenzuelano ang nakatanggap ng kanilang pinakahihintay na tulong medikal mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at REX Serbisyo Center sa Valenzuela City Amphitheater. Ang tulong medikal ay naging posible sa pamamagitan ng DSWD program Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS). Isang tulong para sa mga […]
-
MMDA: 1-2 a.m., deadliest hour sa mga kalsada sa NCR
NAGANAP ang mga aksidenteng nakamamatay sa Metro Manila noong 2019 sa oras na ala-1:00 ng madaling araw hanggang alas-2:00 ng madaling araw, hango sa datos ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Ito ay batay sa hourly accident tally ng Metro Manila Accident Reporting and Analysis System. Sa kabila ng magaang daloy ng trapiko […]
-
Nag-enroll para sa pasukan ngayong school year nasa 22.5-M na – DepEd
PUMALO na sa 22.5 million ang mga nag-enroll bago ang pagbubukas ng klase sa Oktubre 5. Ayon kay DepEd USec. Tonisito Umali, ang naturang bilang ay 99.68 percent na bilang na nakuha mula sa school year 2019 -2020. Aniya, nasa 2.5 hanggang 3.5 milyong estudyente naman ang hindi nakapag-enroll ngayong school year 2020 […]