• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2,000 ESTUDYANTE NG UDM, NAKATANGGAP NG TIG-P5K TULONG PINANSIYAL

NASA 2,000 estudyante sa kolehiyo ang nakatanggap ng maagang “Pamasko”  makaraang maghatid ng P10 milyon halaga ng educational assistance si Senadora Imee R. Marcos sa Universidad de Manila nitong Biyernes, Disyembre 15.

 

 

Sinalubong ng kapatid ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan at Liga ng mga Barangay President Konsehala Lei Lacuna si Senadora Imee pagdating nito sa nasabing unibersidad kung saan personal itong nagpasalamat makaraang mapili ang mga piling estudyante dito na maging benepisyaryo ng nabanggit na tulong pinansiyal.

 

 

Nabatid na nakatanggap ng tig-P5,000 tulong pinansyal mula sa programang Assistance to Indivuduals in Crisis Situations (AICS) ng ahensya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga napiling estudyante.

 

 

“Sana makatulong po ito at magamit sa tamang paraan, at kayong lahat ay sana ay maka-graduate sa lalong madaling panahon. Pagka’t yan lang naman ang pangarap nating lahat na makapagtapos ang ating mg anak, makahanap ng maayos na trabaho at maibalik ang tulong sa mga pamilya natin,” ani Senadora Marcos.

 

 

Bukod sa nasabing tulong pinansiyal ay nagbigay din ng mga computer package ang opisina ng senadora para sa mga estudyante. (Jay Reyes)

Other News
  • “SCREAM” CHARACTERS: MEET THE NEXT GENERATION

    JUST as the original 1996 Scream film starred a group of young actors who would go on to achieve enormous success, the makers of the 2022 Scream set out to fill their movie with an equally talented group of up-and-comers destined for stardom.   [Watch the Scream – New Blood featurette at https://youtu.be/dQ0WbO5G5e0]   Melissa Barrera (In the Heights) plays Samantha “Sam” […]

  • PDu30, naniniwala na maaaring maging Pangulo ng bansa si Willie Revillame

    NANINIWALA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na maaaring maging pangulo ng bansa ang TV host na si Willie Revillame.   Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang video na lumabas noong nakaraang linggo kung saan hinihikayat ni Pangulong Duterte si Revillame na tumakbo sa pagka-senador.   “I have a copy of the video greeting of […]

  • Matapos ang earthquake drill, asahan ang fire drill sa Malacañang, Complex

    NAKATAKDANG ikasa rin sa mga susunod na araw at pagkakataon ang fire drill sa mga gusali sa Malacañang, Complex makaraang ikasa ang earthquake drill ngayong taon .     Ayon kay Architect Reynaldo Paderos ng Office of the President (OP) Engineering Office, nangangasiwa sa gusali ng New Executive Building (NEB) sa Malacañang, Complex, itatakda nila […]