• April 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Matapos ang earthquake drill, asahan ang fire drill sa Malacañang, Complex

NAKATAKDANG ikasa rin sa mga susunod na araw at pagkakataon ang fire drill sa mga gusali sa Malacañang, Complex makaraang ikasa ang earthquake drill ngayong taon .

 

 

Ayon kay Architect Reynaldo Paderos ng Office of the President (OP) Engineering Office, nangangasiwa sa gusali ng New Executive Building (NEB) sa Malacañang, Complex, itatakda nila ang fire drill para bigyan din ng kaalaman ang lahat ng opisyal at kawani sa iba’t ibang tanggapan sa Malakanyang kung papaano tutugon sakali’t magkaroon ng malaking sunog sa alinmang bahagi ng Malacañang, Complex.

 

 

Winika pa ni Paderos mahalaga ang ganitong mga pagsasanay para maiwasan ang anupamang insidente ng pagkasawi o pagkasugat ng mga tao.

 

 

Winika naman Jerald Bautista, OIC ng general services division ng NEB na may nakatakdang pondo sila para sa taong ito para ipambili ng mga emergency equipment, medical at fist aid kits para magamit sa panahon ng emergency at ganitong mga uri ng pagsasanay.

 

 

Sa kabilang dako, maayos namang naisagawa ang earthquake drill ngayong umaga sa NEB.

 

 

Tinuran ni Padernos, kumpiyansya siya sa mas matatag ngayong new executive building at iba pang gusali sa Malakanyang, dahil isinagawa muna rito ang retrofitting bago ang renovation.

 

 

Gayunpaman, mayroon lamang ilang tao na napuna si Arch Padernos na hindi nagsilabas ng kanilang tanggapan sa kasagsagan ng earthquake drill.

 

 

Kaya sinabihan nito ang ilang mga opisyal na in-charge sa drill na dapat sa susunod na pagkakataon ay kinakailangang palabasin na ang lahat ng tao kahit saang department o opisina pa nakatalaga ang mga ito bilang pagtalima sa memorandum at bilang pakikiisa sa epektibong pagtugon sa anupamang sitwasyon. (Daris Jose)

Other News
  • Tax breaks, insentibo sa mga electric vehicle operator posible — DOTr

    KINOKONSIDERA ng Department of Transportation (DOTr) ang pagbibigay ng insentibo tulad ng tax breaks at low-interest loans sa mga transport operator upang matulungan ang mga ito na lumipat sa paggamit ng electric vehicles (EVs).     Ito’y makaraang sabihin ni Transportation Secretary Jaime Bautista na pinag-aaralan at may inihahandang roadmap ang kanilang ahensya patungkol sa […]

  • P81-M halaga ng shabu nasabat sa Valenzuela, 3 kalaboso

    UMAABOT sa P81 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos maaresto sa buy bust operation sa Valenzuela City, kahapon ng umaga.     Kinilala ang naarestong mga suspek bilang sina Algie Mengote Labenia, 43 ng 9th Street, Brgy. Amsic, Angeles, Pampanga, Nolan Sarsalito Julia, […]

  • Diablox’ pumiyok, tumugma na nasa likod ng pag-hack sa mga gov’t websites

    TUMUGA ang isang indibiduwal at umamin na responsable sa kamakailan lamang na cyberattacks sa ilang  government websites.      Sa isang recorded video message na naka-post sa  X, dating Twitter, isang account ng nagngangalang  ‘Diablox Phantom’ ang humingi ng paumanhin sa mga naapektuhan ng kanyang ginawang pagha-hack.     Kinumpirma naman ni DICT spokesperson Assistant […]