• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2,000 na laptop ipinamahagi ng QC LGU sa mga public school teachers

IPINAMAHAGI ng QC Local Government Unit ang nasa 2 libong piraso ng brand new laptop sa mga guro sa mga pampublikong paaralan, Day Care Centers at Community Learning Centers sa lungsod.

 

 

Layon ng hakbang na ito ay upang matulungan sa kanilang pagtuturo ang mga QC public school teachers.

 

 

Ayon sa QC LGU, nasa 50 brand new laptop ang ipinagkaloob sa mga Day Care Centers habang 20 naman sa mga Community Learning Center.

 

 

Mismong si QC Mayor Joy Belmonte ang nagkaloob ng mga laptop.

 

 

Nakatuwang naman ni Mayor Belmonte sa pamamahagi ng mga laptop sina Schools Division Superintendent Carleen Sedilla, Education Affairs Unit Head Ms. Maricris Veloso, Social Services Development Department Head Ms. Eileen Velasco, QC Public Library Head Ms. Mariza Chico, QC Public School Teachers Association, at mga District Action Officers.

 

 

Sa kabuuan, aabot na sa 8,000 laptops ang ipinamahagi ng pamahalaang lungsod sa mga guro ng pampublikong paaralan sa Quezon City. (PAUL JOHN REYES)

Other News
  • Ads May 29, 2021

  • Eala inspirado kay Nadal

    SOBRA ang pagkaganado sa ngayon sa pagpapraktis ni Alexandra Eala, ang ating alas sa mga paligsahan sa women’s at junior girl’s singles-doubles ng Women’s Tennis Association (WTA) at International Tennis Federation (ITF).     Ito ay nang makatabi ng 16-anyos, 5-9 ang taas na Pinay netter buhat sa Quezon City ang 21-time Grand Slam men’s […]

  • Sen. Go naghain ng panukalang batas sa pagpapaliban ng PhilHealth contribution hike

    Inihain na ni Sen. Bong Go, chair ng Senate Committee on Health ang Senate Bill No. 2000 na naglalayong bigyang otoridad si Pangulong Rodrigo Duterte na suspendihin ang scheduled increase sa premium contribution rates ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).     Sinabi ni Sen. Go, kailangang mag-pokus muna kung paano matulungan ang mga kababayang […]