2020 democracy index result, isang patunay na buhay at gumagana ang demokrasya sa Pilipinas
- Published on February 9, 2021
- by @peoplesbalita
HINDI maituturing na major slip ang ulat ng think tank Economist Intelligence Democracy Index 2020, na umano’y nananatili Raw na bagsak ang sistema ng demokrasya sa Pilipinas.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kung titingnan ang data result ng democracy index, lumalabas na naungusan talaga ng Taiwan, Malaysia at Timor Leste ang pilipinas.
Subalit, kung hihimaying mabuti ay makikitang mas angat pa ang Pilipinas sa mga developing countries sa Southeast Asia tulad ng Myanmar, Vietnam, Laos, indonesia, Thailand at Singapore,, kung ang pagbabasehan ay ang mas matatag at mas buhay na demokrasya.
Binigyang diin naman ni Sec. Roque, na magsisilbing hamon sa pamahalaan ang naturang survey result para higit pang paghusayin ang mga programa at proyekto ng gobyerno na magbibigay ng mas maayos, mapayapa at mas maginhawang pamumuhay para sa bawat mamamayan ng bansa.
Giit pa nito na ipinapakita rin ng index ranking kung gaano ka-epektibong gumagana ang sistema ng demokrasya sa Pilipinas.
Isang patunay nito ang pagkakaroon ng bansa ng separation of powers kung saan malayang nakakapagdesisyon ang tatlong sangay ng gobyerno na binubuo ng hudikatura, lehislatura at executive branch na nasa ilalim ng pamamahala ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at siya aniyang madalas na biktima ng kritisismo ng mga nasa oposisyon. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Kaya napilitang kasuhan ang dating kaibigan: AVEL, hiyang-hiya sa First Family dahil nadadamay sa paninira ng vlogger
MARIING itinanggi ng kampo ng sikat na Filipino fashion designer na si Avel Bacudio ang mga paninira umano ng dati niyang matalik na kaibigan at vlogger na si Claire Contreras na kilala rin bilang Maharlika. Sa katunayan, pareho nilang sinuportahan ang Uniteam ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. at Vice President Sara Duterte noong 2022 […]
-
Grab drivers umaangal dahil sa cuts sa SC at PWD discounts
NANAWAGAN sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang isang grupo ng mga drivers ng ride-hailing system upang ang mga kumpanyang nasabi ay ibalik sa kanila ang binabawas sa kanilang kinikita na 20 porsiento diskwento sa senior citizens at persons with disability (PWDs). Sa isang panayam kay Laban TNVS national director […]
-
Task Force na sisilip sa mga nangyayaring pangungurakot sa lahat ng government offices
DAHIL na rin sa nakitang magandang resulta sa ginawang pagbuo ng Task Force PHILHEALTH ay nagpasiya si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magtatag ng Task Force na sisilip naman sa mga nagaganap na katiwalian sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan. Sa katunayan ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque ay kagyat na binigyan ng direktiba […]